Chapter#1: MEET THE T5!

610 25 2
                                        

Keira's POV

"Hayyyyyyyyyyyy." Ano ba yan ang boring. Nakapangalumbaba ako dito sa bintana ng classroom namin. First day na first day ng klase late ang teacher namin. Pero hindi nako nagtataka kung bakit, siguradong nage-evolve na siya bilang shrek ngayon. Hahahaha



Ayan na bumukas na ang pinto, siguradong may sisigaw in

5

4

3

2

1

"MS. MILLER, DETENTION ROOM NOW!"-umalingawngaw ang boses ng aming adviser pagkapasok palang niya sa classroom.



'Pfft...Hahahahahahahaha!' Napuno ng tawanan ang silid namin matapos naming makita ang itsura ni Ms. Lina. Nagmukha siyang basang sisiw. Hahahahaha

She shot a death glare the moment she laid her eyes on me.

Agad naman na akong tumayo at kinuha ang gamit ko. Palabas palang ako ng tawagin ako ni ma'am.

"Where are you going?!"

"Duhh, kasasabi niyo lang po kayang pumunta akong Detention. Besides, ang boring naman din ng klase niyo kaya thank you nalang Ma'am." Nang-aasar na sabi ko tsaka ako tumakbo. Pero huminto ako dahil may nakalimutan pala ako.

"MS.MILLER!!!!!!"

"YES, MA'AM?"-nang-aasar na tanong ko sakanya. Haha, kita ko namang nag-uusok ang ilong ni Maam sa galit kahit na nasa malayo ako. And I therefore conclude that, I really love seeing how pissed other people are because of me.hihi..Oo na ako na, daBest ako eh.



"NGA PALA MA'AM, NAGLAGAY AKO NG STINK BOMB SA LOOB NG ROOM, AND SASABOG NA YUN ANYTIME FROM N---*Booooooom*" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi alamna, sumabog na nga. Kanya-kanya ng labas ang mga kaklase ko habang nakatakip pa sa ilong, wahahahahahahahaha. Laughtrip.

Matapos ang nangyaring iyon, dumiretso na kami papuntang Detention Room. Yah right, 'kami' talaga, kaming lima ng mga kaibigan ko. Nakasalubong ko rin sila and papunta rin silang DR kaya sabay-sabay na kami. Oh diba?first day na first day detention agad? Sabi nga nila, 'Birds of the same feather flocks together'. Errr---tama ba yung sinabi ko? Hahaha, yun na yun.

Mga loko-loko rin kasi sila gaya ko, sayang lang kasi hindi kami magkakasection kaya boring.

"Keya, ano na naman palang pakulo ang ginawa mo?"- tanong ni Rianze Joy Perrault. Siya ang pinakatahimik saming lima, pero siya rin ang kinatatakutan ng karamihan kasi pag siya na ang gumawa ng kalokohan, siguradong pahiya ka na ng sobra-sobra. May pagka-boyish siya ng konti pero wag ka, maganda yan. Mahilig siya sa mga anime. Computer nerd siya ng group and magaling siyang mag-drawing.

"Anong pakulo?kalokohan kamo, hahaha."- Cyell Del Vega, ang pinakamabilis magbago ng mood sa amin. Minsan masaya tas bigla-bigla nalang siyang magsusungit. Kaya inaasar namin siya ng 'Babaeng PMS'. Kahit ganyan yan, siya naman ang pinakamabait 'daw' sa aming lima. Pero maloko rin naman yan, siya pa nga ang unang nakakaisip ng mga kalokohan. Maganda siya kahit na may suot siyang salamin. Mahilig sa pagbabasa ng wattpad stories.

"Wow naman, nagsalita ang mabait-kuno."- Eicy Laurelle, sa aming lima siya ang pinaka-kikay. Friendly rin siya kaya lang sa mga boys siya nakikipag-kaibigan, ayaw kasi niya ng mga plastic. Siya ang pinakamahilig maglakwatsa sa amin, halos araw-araw ba namang may lakad. Pero yaan na, yan siya eh. Sa grupo, siya ang may pinakamadaming bilang ng 'ex', charr, haha hindi naman sa madami talaga, mga 3 lang. Kahit naman ganun eh may taste naman siya no.

"Oo nga, pero tama naman kasi siya, kalokohan ang right term."- Leiselle Fae Moore, siya naman ang pinakamahilig sa mga movies, mapa-korean man yan, o japan, lahat na yata. Magaling siya sa pagsasayaw at gaya ni Rianze, magaling din siyang mag-drawing. Mas prefer namin siyang tawaging Sel.

"Asus, kahit naman anong term pa yan pare-pareho rin naman tayong lima."- Keira Faye Miller, ako yan. Ako ang pinakamahiyaing walanghiya, gulo diba?haha, kahit nga ako naguguluhan din sa sarili ko. Ganito kasi yan, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig magsalita, pili lang din ang kinakausap ko. Kadalasang nagbabasa lang ako, o di kaya naman ay nagsa-soundtrip lang sa tabi. Pero pag ako naBORING, ay naku magtago na kayo. Madamay na lahat ng madamay basta magawa ko lang ang gusto ko. Gaya na lang ng ginawa ko kanina sa room. Gets niyo na diba?Oo na lang, matalino tayo. Lol. Nga pala, Keya ang tawag nilang apat sakin.

Kaming lima ang tinaguriang Terror 5 ng campus. Ang bad nga nila eh, hmmp. Hindi naman kami Terror eh, maloko lang, haha. Tsaka depende naman kasi ang mood namin sa taong nakakasalamuha namin, nagiging fair lang kami. And isa pa daw na dahilan kung bakit ganun ang bansag samin ay dahil sa pagiging cold ng expression namin. Pero ang totoo, normal face lang namin yun. Nakakapagod kasi ang smile ng smile, nagmukha naman kaming timang nun.

Well, pag kami kami lang, tsaka lang namin pinapakita ang pagiging sweet at childish namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chappie #1 done. Thanks for reading, and I hope na babasahin niyo siya until the end.

VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon