Final Chapter

163 9 0
                                        

3rd Person's POV

Limang taon.

Limang taon ang nakalipas matapos ang araw na iyon.

Maraming luha ang nabuhos at maraming tao ang naghinagpis lalo na nong malaman nilang wala na si Keira Faye o mas kilalang Keya.

They really miss her. But Dale, misses her the most.

When everyone seemed to have moved on, Dale was stuck.

It was him who was hurt the most and he's still is the one who's been hurting from her disappearance.


Sa limang taon na nakalipas, marami ang nangyari at nagbago pero masasabing ang pag-ibig ni Dale para sa nobya ay hindi nawala bagkus ay mas lalo itong nadagdagan.

Labis ang naranasan niyang pagdurusa. Kulang nalang ay mamalagi na siya sa mga bars para maglasing. Pero natauhan siya nang pagsabihan siya ng mga kaibigan.

He needed to fix his life because he knew really well na ayaw na ayaw ni Keya ang makita siyang nagkakaganon.

He fixed his life and started to manage their company better. Naging usap-usapan ang kompanya nila because of his achievements. He even expanded their business in Asia. At masasabi niyang, malayo na ang narating niya. He got everything he wanted, except for one, Keya.


But he never stopped hoping that one day, she'll come back and hug him tight like she used to before. Kahit na imposible, ay inasam at palaging inaasam parin iyon ng binata.

---

Cyell's POV

"Girls! Ano ba iyan? Matagal pa ba kayo? Late na tayo oh!" -rinig kong sigaw ni Eicy sa baba habang nag-aayos ng sarili.

"Wait lang Ei! Mabilis nalang 'to!"- sigaw ko pabalik habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko into a messy bun.

Pinasadahan ko sa huling pagkakataon ang suot ko sa full body mirror ko. At nang makita kong okay na, kinuha ko ang bag kong nasa kama tsaka ako lumabas ng kwarto at bumaba.

'Yieeeeee! Ganda-ganda ko kaya. Hihi'

Hindi naman nagtagal ay bumaba narin sila Sel at Joy na gandang-ganda sa suot nilang long gowns. They both wore fitted long gowns na may slit sa gilid but magkaiba naman sa design at kulay.

Kami naman ni Eicy ay naka-cocktail dress na 2 inches above the knee.

Waaaah! Hang cuuuuuute tologo namin! Hihi. Hays, ang kaso kulang kami. I badly miss her, we really do. But we just can't...


Nga pala, if you're wondering kung bakit ganito ang suot namin, well caramel, we're actually invited to an engagement party. Kheart Dale's Engagement party to be exact.

Hays, I know I know, pati kayo nabigla pero gaya namin, ay walang makakapigil na daw dahil iyon ang dati nang plano.

Kung sa kanila ni Keya ang party'ng ito malamang kanina pa sana kami nagsasaya sa venue pero hindi eh. Imposible.


"Kamusta na kaya si Keya? Kung nasan man siya ngayon, sa-sana...."-naluluhang sambit ni Sel pero hindi na niya ito itinuloy dahil iiyak lang siya kung sakali.


Nalungkot kami bigla dahil dun, nakakaiyak lang isipin na ang dating T5 ay naging apat nalang.


Alam kong pare-pareho kaming hindi nakakalimot at pare-pareho rin kaming nagdadasal na sana, balang araw ay babalik ang lahat sa dati.


Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon