Keya's POVPagkagaling namin sa NAIA ay dumiretso kami dito sa tinitirhan naming bahay.
Pansamantala daw kasi muna siyang maninirahan dito, hanggang sa matapos ang pag-aayos sa bahay niya na katabi rin neto. Binili kasi niya iyon kahapon, para daw hindi na siya mag-stay sa hotel.
"So, saan ka mag-aaral?"- rinig kong tanong ni Sel kay Jamil habang kumakain ng chips.
"San pa nga ba? Eh di sa R.A."- balewalang sagot niya.
"Bakit?!"- gulat na tanong ni Sel
"Anong 'bakit', bawal ba ako dun?"-halatang inis na tanong niya.
"Weh? Seryoso? Dun talaga?"- tanong naman ni Eicy.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Oo, hindi kasi kapanipaniwala iyang pangit mong mukha."- sabat ko sa usapan nila.
"Wow ha, ang ganda mo naman."- sarcastic na baling niya sakin habang naka-poker face.
"Talaga, sinabi mo pa *flip hair*."-nakangising sabi ko.haha
"Whoaaaaaa, taas ng self-confidence ah, hindi ko maabot. Nandun oh."- siya habang nakataas ang kamay sa hangin.
"Just stating the fact dear."-sabi ko sabay kindat sakanya.haha
Matapos iyon ay dumiretso na'ko sa kitchen para magluto ng dinner. Narinig ko pang tinutukso nilang apat ni Jamil dahil namumula daw.tss, ang ewan.
Binuksan ko yung ref kaya lang, wala na palang laman, tss hindi manlang sinabi sakin. Kaya no choice ako kundi bumili sa labas.
Umakyat muna ako sa room ko para kunin yung wallet ko bago lumabas. Gusto pa nga nilang sumama, kaya lang sinabi kong hindi na kailangan. Malapit lang naman, mga dalawang kanto lang ang lalakarin ko papuntang SuperStore, tsaka konti lang ang bibilhin ko kaya pumayag narin silang mag-stay sa bahay.
After 5 minutes ng paglalakad ay narating ko na rin ang superstore, kuha doon, kuha dito, hanggang sa mapuno ang cart na dala ko. Chineck ko muna kung nakuha ko ba lahat ng kakailanganin ko, tsaka ako pumunta sa counter.
"898 pesos po lahat Ma'am."- cashier.
"Here, keep the change."-sabi ko sabay abot ang 1000pesos. Tsaka ako umalis dala ang pinamili kong nasa dalawang malalaking supot.
Tsk, dapat sinama ko nalang ang isa sa kanila para may magbuhat neto. Katamad kaya.
Pauwi na'ko pero naisipan kong dumaan nalang sa eskinita para mas mabilis, shortcut kumbaga.
Habang naglalakad ako, may narinig akong ingay, parang may mga damuho na namang nakatambay dito,tsk.
Nagpatuloy nalang ako at nagbabakasakaling hindi nila ako mapansin, may kadiliman kasi sa parteng 'to eh. Sinuot ko narin yung hoodie ko. Mabuti nalang pala at black ang suot kong damit at may hoodie.
"Ang tapang mo rin 'no?!"-mukhang galit na tanong ng isang lalake.
'Patay na, mukhang nakita nila ako. Tss'.Bahagya akong napatigil tsaka ko tiningnan ang nagsalita.
"Pake mo?"-cool namang sagot ng isa.
'Hayyys, buti nalang.' Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala ako yun, hehe. Assuming kasi, sorry naman.
"Aba't sumasagot ka pa ha. *booogsh*"- galit na sabi nung lalakeng adik sabay suntok sa kausap niya, kaya't napaupo yun sa sahig habang nakahawak sa panga niya.
"Kung di ka naman kasi tanga, nagtanung-tanong ka pa, ayaw mo naman pala ng sagot."-nakangising sabi nung nasuntok.
Halatang nainis yung adik kaya't inutusan niya ang mga kampon niya.
Agad namang sumugod yung kasama nung nasuntok. 2 vs. 10? Tss, andaya naman, kaya pala may ganang magyabang, may back-up.
---
3rd Person's POVPayapang namamasyal lang ang dalawang magkaibigan hanggang sa napadpad sila sa isang eskinita.
Nakita sila ng mga gangster wannabe, nong una ay hindi pa nila pinapansin ang mga ito pero talagang hindi sila tinigilan ng mga tambay, kaya nagkasagutan sila hanggang sa nagsimula na ang gulo. Sumugod ang sampung kalalakihan na may dalang mga kahoy at tubo.
Kalmado lang ang dalawa habang napapangisi. Mas malala pa kasi sa mga ito ang nakalaban nila noong mga nakaraang linggo, pero nagawa parin nilang talunin ang mga 'yon.
'Tss, how dare they, challenge the two Dark Royalties.'- sabi sa isip ni Terrence.
Yes, it was Terrence and KD. Sila ang kasalukuyang kinakalaban ng mga tambay.
Akmang ipupukpok ng isa ang hawak na tubo sa likod ni KD pero agad itong nasalo ng binata. Itinapon niya ang ubo tsaka niya sinuntok ang mukha ng lalaki, kaya nakatulog na iyon.
Sabay na sinugod ng dalawang tambay si Terence, samantalang umiiwas lang ang ginagawa ni Terrence. Hanggang sa nabagot na siya sa laban, kaya naman tinadyakan niya ang isa habang pinalo naman niya ang ulo ng isa gamit ang kahoy na napulot niya.
Iwas, suntok, sipa lang ang ginagawa nila Terrence at KD hanggang sa natalo na nila ang sampung lalake.
------
Habang nagaganap ang labanan ay hindi nila napansin si Keya na kanina pa nanunuod. Nakita niyang hindi niya na kailangang tulungan ang dalawa kaya nagdesisyon na siyang umalis.Dahan-dahan siyang naglakad paalis pero sa kamalas-malasang pagkakataon ay biglang siyang nakatapak ng balat ng saging kaya naman napaupo siya at nabitawan niya ang hawak na pinamili, dahilan para mapansin siya ng leader ng mga tambay.
'P*tang balat na saging 'yan.'- inis na bulong ni Keya sa sarili.
"Witwiwww! Hi Miss Ganda! Anong ginagawa mo dito?"- tanong ng leader.
Pero hindi siya pinansin ng dalaga, bagkus ay tumayo lang ito tsaka niya pinulot ang mga kumalat na pinamili niya.
Naiinis sa kanya ang lalake kaya naman hinablot niya ang braso ni Keya.
"Bitawan mo 'ko."- cold na utos ni Keya sa lalake. Pero hindi siya pinansin nito.
Tinanggal ni Keya ang pagkakahawak sa kaniya ng lalake ng walang kahirap-hirap.
Umaktong nandidiri si Keya sa lalake dahilan para sugurin siya ng lalake.
Sinuntok ng lalake ang dalaga sa sikmura pero nakaiwas naman ito. Inulit niya ito pero nahawakan ni Keya ang kamao tsaka niya ito iwinaksi. Tumalon ang dalaga patalikod dahilan para mapatumba't dumugo ag ilong ng kalaban niya.
"Ginagalit mo 'kong babae ka ha!"- galit na sabi ng lalake tsaka siya tumayo't sumugod ulit sa babae.
Gaya nong una ay naiiwasan lang ito ni Keya. Pero nadaplisan siya sa huling suntok ng lalake, dahilan para matanggal ang hoodie niya at magkaroon ng cut ang lower lip niya.
'Grrr, walanghiya, magbabayad kang g*go ka.'- sabi ni Keya sa isip niya.
Galit na sumugod si Keya sa nakangising lalake, tumalon ito ng mataas, tsaka niya siniko ang ulo ng lalake, kaya ang resulta? Bagsak ang lalake.
"YES, THAT'S WHAT YOU GET FOR MESSING WITH ME, STUPID!"-hindi mapigilang sigaw ni Keya habang naka-smirk.
Iniwan na niya ito tsaka niya pinulot ang pinamili niya. Akmang maglalakad na siya pero naramdaman niyang may nanunuod sa kanya kaya naman agad niyang sinuot ang hoodie niya.
Mahirap na, baka kasamahan iyon ng pinatulog niya at bigla nalang siyang sugurin.
Naghintay muna siya ng ilang minuto. Since, wala namang masamang nangyayari ay naglakad na ulit siya paalis.
Nasa dulong bahagi na siya ng eskinita ng marinig ni Keya ang isang sigaw ng lalake.
"YOU'RE VERY COOL MS. HOODIE! HOPE TO SEE YOU AGAIN!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KM: Sorry kung pangit yung pagkakanarrate sa action na part niya.P.S.~ Jamil Perez, sa Multimedia...
VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...