Chapter #50

88 5 0
                                        

Keya's POV



Wednesday came. And I thank God dahil nawala na ang ilang namin ni Dale after what happened nong isang araw.






Kasalukuyan kami ngayong naglilibot sa campus hindi para mamasyal kundi para bisitahin ang mga booths and ask how's it going.






Iyong mga kaibigan ko? Ayun, ayaw sumama at nag-eenjoy parin sa mga rides. Mag-isa nga lang sana ako pero buti nalang at nagprisinta ang boyfriend ko na samahan ako.





Kinuha narin namin ang inventory reports nila para macompile ko. Ayoko kasing magcram na naman sa Friday kaya kukunin ko nalang ang iba ngayon bawas trabaho.






"Okay ka pa? Last na itong pupuntahan natin. Ilalagay nalang natin ito sa office namin." -saad ko kay Dale na nasa tabi ko. Hawak niya ang mga reports ng mga booths.






Ang dami nga non eh and I bet mabigat na, pero ayaw niya akong patulungin sa pagbubuhat kahit anong pilit ko kaya hinayaan ko nalang.





"I'm fine. Let's just get this over with." Ani nito.




Pinagpatuloy namin ang paglakad hanggang sa narating na namin ang S.C room.




Itinuro ko sa kanya ang lamesang paglalagyan niya kaya maingat niya itong inilapag.





"Hays. Buti nalang tinulungan mo ko. Thank you boyfriend ko." -pagpapasalamat ko.





Nakita ko ang pagtagaktak ng pawis nito sa kanyang mukha kaya madali kong kinuha ang panyo ko tsaka ko siya hinawakan sa pisngi gamit ang isa pang kamay ko para maiharap siya sakin.




Tumingkayad ako pagkatapos, at maingat na pinunasan ang pawis na tumutulo sa mukha niya.



Ang init din kasi ng nilakaran namin, isama mo pa iyong mabigat na hawak niya.



"Ano ba iyan. Tignan mo nga oh? Pinagpapawisan ka tuloy, ayaw mo naman kasi akong patulungin kanina. Ayan tuloy." -parang nanay na pangaral ko sa kanya habang pinupunasan siya.







Napalapit tuloy ang mukha ko sa kanya. Kaya ramdam ko ang pagtitig nito sakin pero pinili ko iyong iwaksi hanggang sa matapos ang ginagawa ko.





Akmang tatanggalin ko na ang kamay kong nakahawak sa mukha niya nang hulihin niya ito gamit ang kaliwang kamay at pinanatili ang pagtitig sa akin.






Kita at ramdam ko ang malalim nito pagtitig kasabay ng malalim ding paghinga nito.






Hindi ako gumalaw dahil parang naestatwa ako sa intensidad ng pagkakatitig niya.


Bakit parang ako naman ang pinagpapawisan? Halaaaaaaa!





Nanatili ang ganong posisyon namin hanggang sa unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin.





At ganon na lamang ang pagkagulat ko nang maramdaman ang labi niya sa labi ko. Smack lang naman iyon pero naging dahilan iyon para makaramdam ako ng milyon-milyong boltahe ng kuryente na parang dumaloy saakin.





"Did you just---?" Hindi kompletong tanong ko nang makabawi ako sa gulat.




"Yes. I kissed you." -malapad ang ngiting sagot nito habang nakahawak sa kanyang labi.




Lumayo na siya pero ang tingin ay hindi parin iniiwas sa akin. Kaya uminit bigla ang pisngi ko.





"And I'm not going to say sorry. I loved it. As much as I love you, girlfriend." -dagdag pa nito sabay lakad palabas ng S.C room habang ako ay nakatanga at hindi lubos maisip na nangyari ang kanina.
~~~

A.N~ nyahahaha! Okay! Ako lang ba ang kinilig sa chapter na to?

VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon