3rd Person's POV
Nang mahimatay si Keya ay agad siyang pinahiga sa stretcher na dala ng rumespondeng ambulansiya.
Lahat ay kinakabahan at natatakot sa kung anong mangyayari sa dalaga kaya't hindi nila nilingat ang paningin sa dalaga lalo na ng kanyang boyfriend.
Si Dale ang sumama sa loob ng ambulansiya kasama ang isang nurse. Ang iba naman ay sumunod sa kanila gamit ang dalawang sasakyan kung saan isiniksik ang kani-kanilang sarili para magkasya.
Wala silang time na magreklamo dahil isa lang ang nasa isip ng lahat. Ang kalagayan ni Keya.
Kahit hindi sabihin ng doctor, alam nilang nasa kritikal itong kalagayan pagkakita pa lamang nila dito. Punong-puno ito ng sugat at maraming dugo ang tumutulo mula sa mga iyon.
Naluha nalamang ang mga babae sa sinapit ni Keya.
"Kasalanan ko ito eh! Kung ko lang sana siya pinayagang lumabas ay hindi siya makukuha ni Evelaine at hindi siya mawawala ng halos dalawang araw na." -umiiyak na sisi ni Sel sa sarili.
Hindi umimik ang iba pero mababakas ang pagkabahala nila pati ang mga luhang hindi magkamayaw sa pagtulo.
---
Meanwhile sa loob ng ambulansiya.
"Faster! Damn it, she lost too much blood!" -galit na pagpapadali ni Dale sa driver ng sasakyan nang makitang namumutla na ang dalaga lalo na't wala parin itong malay.
Simula kanina ay hindi niya binitawan ang kamay ng dalaga at paminsan ay hinahalikan pa nito ang noo ni Keya.
Takot na takot si Dale magmula nong malaman niyang nawawala ang dalaga at mas lumala pa ito noong nakita na niya ang kalagayan ng dalaga. Sobrang dami niyang sugat na halos buong katawan nito'y may mga natuyo naring dugo.
He just can't imagine kung anong napagdaanan niya't ganito nalang ang kalagayan niya ngayon.
All he could see was her the whole time. At alam niyang ikakamatay niya kapag may nangyari masama sa dalaga.
He can't lose her, not now nor ever.
"ARE YOU JUST GOING TO WATCH HER?!" -pagwawala niya nang makitang walang ginagawa ang kasamang nurse sa loob ng ambulansiya.
"Sorry sir, pero we need to wait hanggang sa hospital. I'm already done with the first aid pero hindi ko siya pwedeng gamutin ng tuluyan dito. Nasa hospital po ang lahat ng gamit for the operation."- mahinanong sagot sa kanya pero may bahid ng takot.
Ilang sandali pa ay bumabagal na ang takbo ng sinasakyan.
Nang tuluyan na itong huminto ay dali-daling ibinaba ang strecher na kinalalagyan ni Keya.
Agad siyang dinaluhan ng mga naka-stand by na nurses at doctor. Nilagyan na rin ng oxygen mask dahil bumabagal na ang tibok ng puso nito.
Animo'y nagkaroon ng komusyon sa pagdating ng dalaga dahil sa tindi ng kalagayan nito. Pinapatabi ang lahat ng nasa hallway.
"Get out of the way!"
"She lost too much blood. We're losing her. Faster!" -utos ng doctor kaya naman binilisan pa nila ang pagtakbo ng stretcher. Pati si Dale ay tumulong narin para mapadali ang paggamot sa dalaga.
"Get me packs of blood. Kailangan siyang masalinan ASAP!"
"Prepare everything!"- hindi magkamayaw ang pag-utos ng doctor.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Novela JuvenilFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...
