Chapter #23.2

159 7 0
                                        

3rd Person's POV

"WAHAHAHAHAHAHAHAHA."

Napuno ng tawanan ang S.C room dahil sa di matapos-tapos na tawa ng limang magkakaibigan.

Tawang-tawa talaga sila to the point na halos nakahiga na sila sa room habang nakahawak sila sa kanilang tyan.

"Pftt-- wait! Hindi ko na kaya. LT talaga! Wahahahahahahahaha."-natatawang sabi ni Leiselle habang nakatingin sa screen ng laptop nito.

They actually hacked the school's CCTV para makita ang detailed na outcome ng ginawa nila. Well, worth it naman kasi laughtrip talaga iyon.

"Hah! Buti nga sa inyo. That's what you get for messing with the T5."-nakangising pahayag ni Joy

"Right!"- sang-ayong naman ng iba.

Matapos ng kanilang 'panunuod', umalis narin sila sa SC Room dahil uwian narin naman.

Hindi na kasi sila pumasok sa klase nila dahil naexcuse sila. May event kasi sa Academy next month na siyang inoorganize nila.

Anyway, habang naglalakad sila, napapatingin sa kanila ang bawat nadadaanan nila na halatang nagtataka sa kinikilos ng lima. Halata kasi ang kasiyahan sa mukha nila, though hindi sila nakangiti, pansin ang magaang aura ng lima.

Pare-pareho silang sumakay sa kani-kanilang sasakyan sabay sibat.

---

3rd Person's POV

Lingid sa kaalaman ng lima, may isa palang kotse ang kanina pa sumusunod sa kanila. Hanggang sa makarating sila sa kanilang tinitirhan.

Tumigil ang sasakyan ng lalake sa tapat ng bahay ng limang dalaga.

Kitang-kita nito kung paano masayang nag-aasaran ang mga babae habang papasok sa kanilang bahay.

Kinuha ng lalake ang kanyang phone at may idinial na numero.

Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na ito.

"Nalaman mo na ba?"- agad na tanong ng isang baritonong boses sa kabilang linya.

"Opo boss. Gaya nga ng sinabi nyo, magkakasama silang lima sa isang bahay. Malapit din ito sa Academy."- nakangising sagot ng lalake.

"Okay good. Just take a picture of their house. And then include it to the files na isesend ko sakin. I need those files next Saturday."

"Yes boss. Makakaasa ka."

Agad ay natapos ang tawag. Gaya ng sinabi ng kausap sa kabilang linya ay kinuhanan nito ng litrato ang bahay ng lima. Binuksan nya ang bintana ng sasakyan tsaka itinutok ng camera.

Sumulyap syang muli sa bahay tsaka nya isinara ang bintana sabay nagdrive palayo na parang wala lang.

---

Pagpasok nila Keya sa kanilang bahay ay bigla syang napasilip sa bintana. Hinawi nya ang kurtina pero sinigurado nya na hindi sya nakita ng taong nasa loob ng sasakyan.

Napansin nya ito kanina nang napalingon sya sa tapat ng kabilang bahay bago makapasok.

Agad syang kinabahan at nanghinala kaya naman sinilip nya ito, pero sa pagsilip nya ay sya ring pagsara ng bintana ng sasakyan kaya hindi nya nakita ang taong nasa loob nito. Heavily tinted din kasi kaya hindi nya maaninag.

Nawala narin naman ito sa paningin nya kaya isinawalang bahala nya na lamang ito.

Malamang ay napadaan o kaya naman ay naligaw ito.

Ngunit hindi nya parin maalis ang kabang nararamdaman nya dahil may posibilidad na may masamang tao na namang sumusunod sa kanya. At ang malala pa ay baka mapahamak ang kanyang mga kaibigan dahil sakanya.

Mapait syang napangiti nang makita nya na masayang nag-uusap ang kanyang mga kaibigan sa kanilang sala.

Naging malapit na rin sya sa mga ito at hindi nya kakayaning mawala ang mga ito sa kanya.

'Hinding-hindi ko sya hahayaang kunin nya ulit ang mga taong mahalaga sa akin. Proprotektahan ko kayo. Pangako.'

Mahinang sambit nya tsaka sya lumapit sa mga kaibigan at nakisabay sa pag-uusap at pag-aasaran ng apat.
~~~

P.s~ Nasa multimedia yung bahay ng T5.

VOTE (IF you like it), COMMENT (IF you want to), FOLLOW (IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon