Bakasyon ngayon at kakatapos lang ng last school year, kaya wala na akong pinag-aabalahan pa ngayon, kundi puro laro lang sa loob ng bahay minsan lumalabas ako.
"Bagong lipat ka dito?" Tanong ko sa lalaking pinaglalaruan ang bola ng volleyball. Siguro ay ka-edad ko lang siya, mga labing isa taong gulang. Katapat lang namin ang bahay nila.
"Yes" Maiksing saad niya at nahihiya pa.
"Ano name mo?" Tanong ko.
"Steven" Tumigil siya sa paglalaro noong bolang hawak niya. "Ikaw, ano name mo?" Tanong niya.
"Aelia, ang name ko." Pagpapakilala ko. "Ilang taon ka na?" Tanong ko.
"Eleven years old na 'ko, ikaw?" Sambit niya at nag-dribble ulit ng bola.
"Ah, parehas lang pala tayo!" Ani ko.
"Bye, tawag na 'ko. Bukas ulit!" Paalam niya.
Pumasok na siya sa loob ng bahay nila nang tinawag na siya ng Mama niya. Bumalik na rin ako sa bahay namin at nagmeryenda na. Wala pa akong kalaro dito kung kaibiganin ko kaya 'yon?
Sumunod na araw ay nakita ko nanaman siyang naglalaro sa labas ng volleyball, hilig niya siguro ang isport na volleyball. Ang galing niya na mag dig ng bola ha!
"Hi, pwede sumali?" Tanong ko.
"Oo naman, Aelia" Aniya.
"Paano ba 'yan?" Tanong ko.
Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pag-dig ng bola at tamang posture. Ang dali lang pala!
"Nagtre-training ka ba ng volleyball?" Tanong ko.
"Yes" Maiksing saad niya. "Gusto ko kasi maging sikat na player eh!" Masayang sabi nito.
"Saan ka pala nag-aaral?" Tanong ko.
"East Shores Elementary" Aniya.
"Private? Ang sosyal ng name eh!" Ani ko.
"Yes" maiksing saad niya. "Ikaw, saan yung School mo? Tanong niya.
"Berizon Elementary School" Ani ko.
"Private ka rin?" Tanong niya.
"No, public lang ang school ko." Sambit ko at pinagtatalbog ang bola.
Gano'n lang ang ginagawa namin araw-araw, naglalaro ng volleyball at iba pang larong pambata.
"High School na tayo, next school year!" Masayang sabi ko.
"Saan ka naman mag-aaral?" Tanong niya.
"Del Valle High School" Ani ko.
"Magkahiwalay nanaman tayo." Malungkot na saad niya.
"Bakit, saan ka ba magha-high school?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa Veroso High, Ako eh." Napakamot pa siya ng ulo.
"Ang layo ng pagitan ng school natin!" Reklamo ko.
"Tara, street food tayo?" Aya niya.
"Libre mo ba?" Biro ko.
"Oo" Maiksing sagot niya.
"Hoy! Nagbibiro lang ako. KKB na lang." Ani ko.
"Hindi na, libre ko na. Ako nag-aya eh!" Aniya.
"Okay, sabi mo eh." Maiksing saad ko.
"Takaw ha! Ayan oh, ang dami mong sauce sa gilid ng bibig mo!" Pang-aasar niya.
Pupunasan ko na dapat ang bibig ko gamit ang likod ng kamay ko.
"'Wag kamay ang ipang-punas mo! Akin na nga." Pinunasan niya iyon gamit ang panyo niya.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...