Maraming laro na ang nakalipas sa High School League, at ngayon ay Championship na. Huling Linggo na rin bago matapos ang buwan ng Setyembre. Gaganapin ang championship sa Arena malapit sa baranggay namin, mas malaki iyon ng kaunti kung ikukumpara sa mga gymnasium sa school.
Kasabay kong pumunta si Tita Sam sa Arena, Mother of Steven. Magkikita rin kami nila Samantha at Aliah mamaya dahil Del Valle High School at Veroso High School ulit ang maglalaban sa Finals.
Nagsuot lang ako ng T-Shirt na ibinigay ng school para sa mga manonood ng Finals. Kulay Maroon Red na T-Shirt 'yon at may nakatatak na 'VEROSO' tinernuhan ko iyon ng navy blue na fitted jeans at shoulder bag na white. Black na high-cut na sapatos ng Converse.
Nang maayos na ang lahat ay pumunta na 'ko sa bahay nila Steven. Nag-doorbell ako at bumungad si Steven na suot na ang jersey.
"Oh, akala ko mauuna ka sa'min pumunta?" Nagtatakang tanong ko.
"Maaga rin pala kayong pupunta ni Mama, kaya naisipan ko nalang na sumabay." Aniya.
Pumasok na kami sa loob, si Tita Sam ay nasa itaas pa raw at nag-aayos pa ng gamit. Maya maya ay bumaba na ito, nakasuot rin siya ng kulay maroon red na t-shirt.
"Ang ganda naman ni Tita!" Pagpuri ko sa kaniya.
"Syempre naman!" Masayang saad ni Steven. "Tignan mo pogi rin ang anak!" Proud na sabi nito.
Bumyahe na kami papunta sa Arena kung saan gaganapin ang laro. Nang makarating kami ro'n ay kaunti pa lang ang mga tao dahil masyado pang maaga.
Si Steven ay pumunta na sa teammates niya at nakigulo ro'n. Pumunta na kami sa pwesto na in-assign sa mga supporters ng Veroso. Isang oras pa bago magsimula ang laro.
"Aelia, kain na muna tayo. Nagpa-deliver ako ng food para sa 'ting tatlo nila Steven."
"Sige po, ako na rin po ang kukuha mamaya kapag dumating na." Pagboluntaryo ko.
Maya-maya ay dumating na ang pagkain at nasa labas na raw ang delivery boy. KFC pala ang in-order ni Tita Sam.
Pumasok na ulit ako sa loob ng Arena, meduo marami na nag tao ngayon. Iniabot ko na rin ang pagkain kay Steven kanina.
"Tita" Tawag ko.
"Yes?" Tanong niya.
"Puntahan ko lang po ang dalawa kong kaibigan sa kabilang side, taga-Del Valle po kasi." Pagpapaalam ko.
"Go lang!" Aniya.
Naglakad na 'ko papunta sa kabilang side ng Arena at hinanap ang dalawa. Nang makita ko na sila ay may kasama sila na isang lalaki. Familiar ah!
Nagtungo na 'ko sa gawi nila. "Huy!" Bungad ko.
"Bess!" Masayanng saad ni Samantha at niyakap ako. Ganoon rin ang ginawa ni Aliah.
"Hi!" Bati ng lalaki.
"Hi" Bati ko. "Ikaw si Skye 'di ba?" Tanong ko.
"Y-yes" Nahihiyang saad nito.
"Kayo na, Sam?" Tanong ko.
"Hindi ah, manliligaw pa lang!" Aniya. "Sinabi ko sa GC 'yon ah?"
"Baka hindi ko nabasa! Na-late tuloy ako sa chika!" Wika ko.
"Ayan, busy kasi lagi kay Steven." Pang-aasar ni Aliah.
"Baliw!" Natatawang saad ko.
Nagkwentuhan pa kami ng matagal, nang malapit nang mag-alas dose ay bumalik na 'ko sa inuupuan ko kanina, sa tabi ni Tita Sam.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...