TW: Self-harm

Setyembre na ngayon, kakatapos lang din ng 1st grading. Maayos naman ang grade ko at ako ulit ang may pinakamataas na average grade sa klase namin.

All of my hardworks paid off. Ika-14 na ng Setyembre ngayon at kaarawan ni Skye ngayon, ang Boyfriend ni Samantha. Ngayon nga lang kami ulit magkikita nila Samantha at Aliah pero nagkita naman kami last month.

Alam din nila ang nangyari na gulo samin ng mga iba kong kaibigan at sa boyfriend ko. Syempre dapat alam din nila nangyayari sa akin 'no.

Kasabay ko sila Samantha at Aliah ngayon papunta sa Venue.

"Aliah, may mga pogi ro'n. Alam mo na!" Saad ni Samantha.

"Yup, magpo-pogi hunting tayo." Saad ni Aliah.

"Baliw ikaw lang, may jowa na kami huy!" Saad ko.

"Okay, tulungan niyo nalang ako maghanap." Saad niya.

"Anong nangyari sa kalandian mo dati?" Tanong ko.

"Ay nako, 'wag na balikan ang past!" Saad ni Aliah at tumawa pa.

Sa bahay lang nila Skye ang Venue. Pagkababa namin sa tapat ng bahay nila Skye ay malaking gate ang bumungad samin. Ang yaman ah!

"Yaman naman pala ng jowa mo." Saad ko.

"Oo bagay sila, parehas mayaman!" Saad ni Aliah. "Nakakahiya naman kaming hampas lupa."

"Loko talaga 'tong babae na 'to." Saad ni Samantha at itinuro pa si Aliah. "Tara na nga pumasok na tayo."

Malaking garden ang bumungad sa amin kasya ang maraming bisita roon. Nakahanda na ang mga table at pagkain.

"Oh, nandiyan na pala kayo." Bungad ni Skye. Hinalikan niya sa noo si Samantha.

He's wearing gray slacks and white long-sleeve na may nakapatong na gray americana coat. At may relo rin siya suot.

"Kaya pala nag-silver dress si gaga." Bulong sakin ni Aliah.

"Nag-usap ata." Bulong ko rin.

Pumunta na kami kung saang table number kami. Hindi pa nags-start yung program dahil masyadong maaga ang pagdating namin sa venue.

"Huy, may natitipuhan na 'ko!" Saad ni Aliah.

"Sino?" Tanong ko.

"The one who's wearing a red polo shirt?" Tanong ni Samantha.

"Pa'no mo alam?" Tanong ni Aliah.

"Girl, I know anong type mo sa guys!" Saad ni Samantha. "You're so lucky."

"Huh, anong lucky? Baliw ka nanaman!" Saad ni Aliah.

"He's from Del Valle!" Saad ni Samantha. "Kasama ko rin sa Writing Club."

"Weh? Kaya pala familiar siya sa'kin." Saad ko. "Siya nga yung nasa writing club."

"Ano pangalan?" Tanong ni Aliah.

"Xyian" Saad ni Samantha.

"Shet, amoy mayaman!" Saad ni Aliah.

"Ano bet mo ba? Ilalakad kita." Saad ni Samantha. "Since tinulungan mo naman ako kay Skye dati."

"Ay teh go na 'yan, ang bagal sumagot!" Saad ko.

"Fine, I'll go to him na." Saad ni Samantha. "Be ready, girl."

"Teka Sam! Sam!" Pigil ni Aliah. Pero wala ng nagawa 'yong pagpigil niya.

"Go mo na 'yan, sayang ang opportunity!" Saad ko.

SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARAWhere stories live. Discover now