TW: DEATH
Buwan na ng Disyembre kaya malamig na ang simoy ng hangin, nagsisimula na ring maglagay ng dekorasyon sa bawat bahay pati na rin sa mga kalye.
"Aelia, aattend ka ng christmas party?" Tanong ni Yna.
"Ahh..magpapaalam pa 'ko kina Mama." Wika ko. "Ikaw?"
"Same lang, itatanong ko pa." Wika nito.
"Ikaw, Anna?" Tanomg ko.
"Papaalam pa lang." Pinakita niya pa ang telepono niya na ka-chat ang nanay niya.
"Si Steven?" Tanong ko.
"Baka bumaba" Wika ni Yna.
Tumango tango lang ako at inintay na bumalik ang lalaki. Maya-maya ay dumating na ulit ito.
"Sa'n ka galing?" Tanong ko.
"Pinuntahan ko lang si Coach." Wika niya.
Wala namang ganap ngayong araw, ganoon lang palagi ang nangyayari, sabay sabay kaming kakain tuwing break time at lunch time.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagbihis ako at nagbasa lang sa Wattpad ng binabasa kong istorya. Nasa series 3 na ang binabasa ko.
Nasa kwarto lang ako at nagbababad sa Aircon. Bandang alas kwatro ay may kumatok sa baba. Sinilip ko muna 'yon sa bintana. Si Steven.
Bumaba na 'ko at binuksan ang pintuan at gate. "Uy, napa-punta ka?"
"Bawal ba?" Tanong nito.
"May sinabi? May sinabi?" Mataray na tanong ko.
"Wala" Maiksing saad niya.
"Pasok na" Wika ko.
Nauna na siyang pumasok dahil isinarado ko pa ang gate. Pagkapasok sa loob ay sinara ko na ang pintuan dahil sa taas naman kami mag-i-stay.
Sumunod na siya sa 'kin pag-akyat at dumiretso na sa kwarto.
"Lamig naman" Reklamo nito. "Lamig na nga ng hangin eh"
"Ehh, maginawin ka kasi." Wika ko. "Magkumot ka nalang diyan."
"Uuwi si Tito?" Tanong ko.
"Hindi ata" Matamlay na saad nito.
"Disyembre na ah?" Wika ko.
"Magsasabi naman 'yon" Wika ni Steven.
"Ano gusto mo gawin?" Tanong ko. "Nood tayo movie?"
"Pwede, ikaw bahala" Wika nito.
"Sige" Kinuha ko na ang laptop ko sa may study table ko at binitbit 'yon sa kama.
"Romance ha, 'wag drama!" Reklamo nito.
"Fine!" Maiksing saad ko.
Inilagay ko na sa Romance ang Genre at nagsimula ng maghanap.
"Tagalog sana" Hirit pa nito.
"Daming request ha!" Reklamo ko.
Nang makapili na kami ng palabas ay nagsimula na kaming nanood. Tahimik na ang kwarto at tanging tunog lang na galing sa laptop ang maririnig.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Steven , wala naman siyang reaksiyon do'n. Inaantok na rin kasi ako.
"Antok na agad, Valerie?" Tanong nito.
Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasandal sa balikat niya at sinamaan siya ng tingin. "Pangit mo."
"Ganda mo" Pang-aasar pa nito.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...