Nagsusulat na ako sa board ng attendance dahil malapit na magsimula ang klase. Si Binibining Galvez ang first period namin, siya ang guro namin sa Filipino.
Maya maya ay dumating na ang guro namin.
"Magandang Araw sa inyo!" Bati nito.
Tumayo kaming lahat at bumati pabalik.
"Magandang Umaga, Binibining Galvez. Welcome to Grade 9, Section B!" Bati namin pabalik.Umupo na ulit kaming lahat at naka-focus na sa harapan. Nagdidikit na si Ma'am Galvez ng Kartolina sa blackboard.
"Paramihan ng recitation." Paghamon ko kay Steven. "Ang pinakaunti na points manlilibre mamayang uwian." Dagdag ko pa.
"Challenge Accepted, Aelia." Mayabang na sabi niya.
May graded recitation rin ngayon, oo, first lesson palang ay may graded recitation na agad!
Natapos na ang discussion, graded recitation naman. Confident ako na ako ang makakakuha ng pinakamaraming points kaysa kay Steven.
Tapos na ang time ng Filipino.
"Oh ikaw ang manlilibre mamaya." Mayabang na sabi ni Steven.
Oo, mas marami siya points kaya natalo ako. Okay lang naman, give chance to others.
"Yabang" Inis kong sabi.
Nang break time na ay bumaba na kami para bumili sa canteen ng makakain.
"Ano sa'yo?" Tanong ni Steven.
"Sandwich lang" Maiksing saad ko.
Nang paakyat na kami ay nakasalubong namin ang dalawang babae. Familiar ah? Tama ito yung nang nominate sa'kin!
"Hi!" Bati no'ng babaeng nag-nominate sa'kin.
"Hello!" Bati ko pabalik.
"Anna, ang name ko." Pagpapakilala nito.
"Ako naman si, Yna." Pagpapakilala ng babaeng kasama ni Anna.
"Aelia, pala ang name ko." Pagpapakilala ko.
"Steven" Pagpapakilala ni Steven.
"Ba't mo pala 'ko ninominate?" Tanong ko kay Anna.
"Wala lang para kang President Material kasi." Natatawang saad nito.
"Ha, ako? Paano mo nasabi?" Tanong ko.
"Mukhang matalino" Maiksing saad niya. "By the way, pwede makipagkaibigan?" Tanong nito.
"Oo naman, bakit hindi!" Masayang saad ko.
"Pwede na rin kayong sumama sa'min tuwing break time." Sambit ni Troy.
"Sige!" Masayang saad ni Anna
Si Yna ay tahimik ata o baka nahihiya pa.
"Una na kami sa taas." Sambit ko.
"Sige, bibili na rin muna kami." Pumunta na sila sa Canteen kami naman ay bumalik na sa room.
Kumain na kami at nagkwentuhan nalang. Maya maya ay dumating na si Yna at Anna, kumaway sila samin bago pumunta sa puwesto nila.
"Sabi sa'yo eh!" Sambit ko at hinampas ang balikat niya.
"Na?" Nagtatakang tanong niya.
"Ano ba, for sure isa sa kanila ay may gusto sa'yo tignan mo tumama 'yong sinabi ko kahapon. 'Di ba nakipagkaibigan sila!" Pagpapaliwanag ko.
"Sus" Maiksing saad niya.
"Si Yna nga ay nakatitig sa'yo kanina. Nagwapuhan ata." Pang-aasar ko pa.
Gwapo naman talaga si Steven, matangos ang ilong, singkit ang mata at maputi rin ang balat niya. Plus may dimple at matangkad! Pero lagi niyang sinasabi na pangit daw siya? Wow ha ang gifted na nga niya pagdating sa itsura.
"Ba't pala laging mong dine-deny na pogi ka?" Nagtatakang tanong ko.
"Pogi ba 'yan, eh may mga tigyawat nga ako!" Aniya.
"Gwapo ka, Steven. It's normal lang na magka-pimples during teenager." Ani ko.
Sasabihin niyang pangit siya, eh halos campus crush nga siya rito sa school.
Nang matapos na ang break ay maya maya dumating na ang guro namin sa ikatlong subject ngayong araw. Pagkatapos ng dalawang subject ay lunch time na. Hindi na kami bababa dahil may baon kami parehas ng kanin at ulam.
Walang nakaupo sa unahan namin dahil nasa ibaba. Nakita kong papunta sa gawi namin sina Yna at Anna. Umupo sila sa harap namin at inikot ang upuan paharap sa amin
"Kailan ang start ng High School League, Steven?" Tanong ni Yna.
"September pa start ang Season 20" Aniya.
"Transferee ka Aelia, 'di ba?" Tanong nito.
"Yes" Maiksing sagot ko at uminom ng tubig.
"Saan ka nag-aaral dati?" Tanong niya.
"Sa Del Valle High School" Ani ko.
"Ay ayan ang tumalo sa inyo, Steven 'di ba?" Tanong ni Anna.
"Oo" Maiksing saad niya.
"Paano 'yon, Aelia, Sino ang sinuportahan mo noong Season 19?" Tanong ni Anna.
"Syempre school ko, pero todo cheer pa rin ako noon kay Steven. Medyo nalungkot nga ako no'n dahil natalo ang Veroso." Ani ko.
Tumango tango lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ang lunch time ay tahimik na ang lahat. Sa dalawang last subject ay discussion lang at sinabi ang mga rules nila. Ganoon rin sa mga nauna.
Nang uwian na ay nilibre ko na si Steven, baka sabihin ay madaya ako. Hinatid niya muna ako samin bago siya umuwi sa kanila.
Nang hapon ay pumunta kami sa park para magrelax. Nag-usap lang kami habang pinapanood ang sunset.
The sunset is my favorite scene. It gave me comfort. The sunset is always a beautiful ending.
Tuwing nandito kami sa tagpuan naming dalawa ni Steven ay bumabalik lagi ang mga pangako, pangarap namin na sabay naming aabutin.
Sobrang saya ko na nakilala ko si Steven. Kapatid na ang turingan namin, tingin ko ay hindi ko kayang mawala siya. Tatlong taon na rin kaming magkaibigan.
Sana ay hanggang pagtanda ay ganto pa rin kami, pero syempre may bounderies na dahil may mga kanya-kanya na kaming pamilya sa panahon na 'yon.
Sana ay maabot namin ang mga pangarap namin ng sabay, at walang iwanan.
Stay Safe and have a great day!
-royyy_xx
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...