Setyembre na ngayon, at nagsimula na ang High School League. Sa Veroso ginawa ang unang match up ng Men's Volleyball.
"Goodluck, galingan mo!" Wika ko.
"Thank you!" Pagapapsalamat ni Steven.
Suot na niya ang jersey na kulay Maroon red na may black lining sa gilid ganoon rin ang design ng Short. Sa pinaka gitna ay ang number niya. 14.
Maya-maya ay nagsalita na ang MC. Maraming tao sa loob ng Gymnasium.
Del Valle High School at Veroso High School ang unang match up.
"What's up, Verosonians!" Masiglang sigaw ng MC. Halos lahat ng mga taga-Veroso ay sumisigaw at tinataas ang mga banner.
"Ang sigla naman! Magpapaptalo ba kayo Del Valle Community?" Masiglang tanong ng MC.
Nagsimula nang magsisigaw ang mga Taga-Del Valle.
Napuno ang Gymnasium ng kulay Asul at Pula.
"Ano ang cheer ng Veroso?" Tanong ko.
"Ganto..Let's go, Verosonians! Hindi nagpapatalo, lalaban hanggang dulo!" Pagturo sa akin ni Yna.
"Now the Seanson 20, Begins!" Masiglang saad ng MC.
"Let's all welcome, The Del Valle High School!" Saad nito.
Nagchi-cheer na ang mga taga-Del Valle.
"Let's go, Del Valle! We will win!" Sigaw ng Del Valle Community."Let's all welcome, The Veroso High School!" Masiglang saad ng MC.
Nagsimula nang mag-cheer kaming mga Verosonians. "Let's go, Verosonians! Hindi nagpapatalo, lalaban hanggang dulo!" Sabay sabay naming sigaw.
"We will start with the Veroso High School, First Six!"
"Of course let's call first the Team Captain, Jersey no. 14, Steven Troy Sanchez!"
Nagsigawan ang lahat nang pumunta na sa loob ng court si Steven at kumaway kaway.
"Go, Steven!" Sigaw ko.
"Next. Jersey no. 17, Khairo Garcia!" Nagpalakpakan rin ang lahat at sumigaw.
"Omg! Go, Khairo!" Sigaw ni Anna.
Nang matapos ng tawagin ang Starting line -up sa magkabilang panig ay nagsimula na ang laro.
Nanalo ang Del Valle, sa Set 1 at Set 2. Isang set nalang ay panalo na sila. Pero kapag nanalo ang Veroso sa Set 3 ay hanggang Set 4 pa.
At iyon nga ang nangyari, nanalo ang Veroso sa Third set. Kaya may fourth set. Kapag nakuha ng Del Valle ang First Set ay talo na ang Veroso. Pero kapag nanalo ang Veroso sa 4th Set ay may 5th Set pa!
Nagsigawan na ang lahat nang manalo ang Veroso sa 4th Set.
"Ang intense, grabe!" Sambit ni Anna.
"Sana manalo ang Veroso" Pagwika ni Yna.
Maya-maya ang nagsimula na ang 5th Set. Nagsimula nang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Hala nag-tie! 14-14, 'di nagpapatalo ang Veroso ha!" Wika ni Anna.
Nagsigawan ang lahat nang lumamang ng isa ang Veroso.
"Isa nalang! Isa nalang!" Sigaw nang mga taga-Veroso.
"Hoy, in ba ang bola?" Tanong ni Yna nang pumalo si Steven.
Inilahad ng referee ang kamay papunta sa kanan, sa side ng Veroso!
"Panalo!" Masayang sabi ko.
Nagsigawan na ang lahat. Bumaba na kami tatlo para puntahan si Steven. Pumunta ito sa gawi namin nang makita kami.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
Ficção GeralNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...