Alas singko na ngayon, nakaupo kami sa isang wooden bench dito sa may open area sa park na nasa loob lamang ng village. Pinagmamasdan ang ulap na unting-unti nagpa-palit ng kulay at ang mga ibong lumilipad ng malaya sa himpapawid.
"Steven" Tawag ko kay Steven at itinuon naman ang atensiyon sa akin.
"Why?" Saad niya.
"May crush na ata ko..." Saad ko.
"Weh? Sino?" Saad niya walang ekspresyon ang mukha niya.
"Si Kyle." Saad ko.
"Ahh, happy for you." Saad niya. "For the first time ha!" Saad niya at ngumiti.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa matamlay sa school." Pag-puna ko sa kaniya.
"Oo naman, lagi naman akong okay 'no!" Saad niya at tumawa pa. "Siguro dahil kakagaling ko lang sa sakit."
"Support mo ba 'ko sa crush ko? Parang 'di ka masaya pagka-banggit ko eh." Saad ko.
"Ano ka ba, syempre masaya!' Saad niya at inakbayan pa ako. "Masaya ako lagi para sa'yo, okay?"
Tumango-tango lang ako. "Basta kapag sinaktan ka niyan, ako bahala!" Mayabang na sabi niya.
"'Wag ka munang maingay ha, bukas ko pa sasabihin kila Anna." Saad ko.
"Sure, 'di makakalabas." Saad niya.
Nang madilim na ay napag-desisyonan na naming umuwi.
"Shhh...ka muna ah." Saad ko.
"Oo nga, promise." Saad niya. "Pasok ka na 'ron."
"Bye, see you bukas!" Saad ko. "Good night, Steven."
"Bye rin, good night din." Saad niya.
Nang makarating ako sa pintuan ay kumaway muna ko sa kaniya. Kumaway siya pabalik bago tumawid papunta sa kabilang side ng kalsada.
Magluluto na 'ko ngayon ng hapunan at magsasaing na rin, dahil maya-maya ay dadating na rin si Papa.
Ilang oras ang nakalipas ay dumating na rin si Papa, sakto ay kakatapos ko lang magluto at nakahanda na rin amg pagkain sa hapag kainan.
"Kain na, Pa." Aya ko.
"Mukhang masarap ah...bangus ba 'yan?" Saad niya.
"Opo" saad ko.
Umupo na siya sa harap ko at nagsandok na ng pagkain niya. "Kamusta school?" Tanong ni Papa.
"Okay naman po." Saad ko.
Matapos kaming kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Si Papa ay umakyat sa itaas para magbihis at iakyat ang gamit niya.
Maya-maya ay bumaba na siya ulit dahil manonood naman siya sa telebisyon.
"Pa, akyat na po ako." Saad ko. "Gawin ko lang po assignment ko."
"Sige nak, buksan mo ang aircon ha." Saad niya. "'Wag mong tipirin, binili namin ng nanay mo 'yan para 'di ka mainitan."
"Opo" Saad ko.
Sa mga nakaraang araw kasi ay electric fan nalang ang ginagamit ko para mabawasan ang bill ng kuryente.
Umakyat na 'ko sa itaas at dumuretso na sa kwarto ko. In-on ko na ang ilaw pati na rin ang aircon.
After kong gawin ang mga takdang-aralin ay natulog na 'ko kaagad, dahil maaga pa 'kong gigising bukas.
Alas kwatro nang mag-alarm ang cellphone ko. Nag-inat muna ko bago tuluyang umupo sa kama ko mula sa pagkakahiga. Pumunta ko sa study table ko kung saan nakalagay ang mga picture ko kasama ang mga mahal ko sa buhay; may maliit doon na family picture namin, picture namin ni Steven no'ng bata pa kami, pic namin ni Ate Aika, picture namin ng mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...