Kakatapos ko lang kumain at nakaligo na rin. Sinuot ko na ang uniporme ko, puting blouse lang iyon, at sa pang ibaba naman ay paldang kulay maroon red. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahabang buhok ko at nagpabango na. Sinuot ko na rin ang necktie ko na kakulay ng palda ko.
Maya-maya ay narinig ko na ang boses ni Steven sa ibaba.
"Magandang Umaga po, Tita, Tito." Bati nito.
"Magandang Umaga rin, Steven." Bati pabalik ni Mama. "Si Aelia nga pala ay pababa na 'yon, nagbibihis lang." Dagdag pa ni Mama.
Sinuot ko na ang medyas at sapatos ko na may kaunting taas ang takong. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Natanaw ko na si Steven na nakaupo sa may sofa.
"Tara na o gusto mo pang humilata riyan sa sofa?" Tanong ko.
"Tatayo na nga eh!" Tumayo na siya mula sa pagkakahiga sa sofa at isnukbit na ang bag sa balikat.
"Ma, aalis na po kami." Paalam ko. Humalik na ako kanila Mama at Papa bago kami tuluyang lumabas ng bahay.
Nag-aabang na kami ngayon ng tricycle sa tapat ng bahay namin. "Nagusot tuloy ang polo mo, higa pa more." Ani ko.
"Okay na 'yan, parang gusot lang e'" Aniya.
"Ang pangit kaya tignan, Steven." Sambit ko.
"Nanay ba kita?" Natatawang tanong niya.
Tinarayan ko lang siya. Finally nakasakay na kami ng tricycle palabas ng village. Nag-jeep na lang kami papunta sa Veroso High School.
"Traffic" Miksing saad ko.
"Maaga pa naman." Ani ko. "At saka matagal ang counting ng stop light diyan sa may kanto 'di ba." Dagdag pa niya.
Nang makarating kami sa Veroso High School ay nagtungo na agad kami sa building namin at umakyat na sa second floor kung nasaan ang classroom namin.
Natanaw ko si Anna at Yna nagkwe-kwentuhan sa tapat ng room namin. Naglakad na kami papunta sa room namin. Sa sobrang focus nila doon sa tinitiganan nilang Profile ng lalaki sa facbook ay hindi nila namalayan na nasa harap na namin sila.
"Sino 'yan?" Tanong ko.
"Huh..w-wala 'to!" Tanggi ni Anna at ibinulsa ang phone niya. "Andiyan na pala kayo" Dagdag niya at napakamot pa ng ulo.
"Huwag kang change topic, sino 'yon ha?" Pang-aasar ko.
"FIne! Yung crush ko." Aniya.
"Taga-Veroso rin ba?" Tanong ni Steven.
"Oo, yung escort ng kabilang section." Sambit nito. "Section A" Dagdag pa niya.
"Ka-team mate ko 'yon ah!" Natatawang sabi ni Steven. "Si Khairo" Dagdag pa niya.
"Khairo ano?" Tanong ko. Familliar kasi ang name.
"Echavez" Maiksing saad ni Steven.
"Huh...totoo ba? Kaklase ko 'yon no'ng grade 7 sa Del Valle High School!" Ani ko. "Pero lumipat siya dito sa Veroso High no'ng Second Year." Dagdag ko pa.
"Ang dami mo ng connection oh, ikaw na unang gumalaw." Pang-aasar ni Yna.
"Ayaw ko, tigilan niyo 'ko. Mga baliw!" Sigaw niya.
Nang malapit ng mag-time ay pumasok na kami sa loob. After ng dalawang subject ay breaktime na. Sabay sabay na kaming apat na bumaba para bumili sa canteen. Kaunti palang ang tao ngayon sa canteen dahil may limang minuto pa bago ang break time, maaga kasi natapos ang last period namin bago ang break time.
Pare-parehas kami ngayon ng kinakain, egg sandwich. "Gagala pa ba tayo or aakyat na agad?" Tanong ni Anna.
"Gala muna tayo!" Sambit ni Yna. "Ayon, doon tayo sa wooden bench." Dagdag niya at nakaturo sa upuan na nasa open area.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
Genel KurguNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...