Maaga akong gumising dahil lunes ngayon at may pasok pa 'ko. Alas kwatro nang simulan ko ng magluto ng almusal at pagakatapos no'n ay naligo na 'ko at nag-ayos ng sarili. 5:30 AM nang dumting si Steven sa bahay.
"Aga mo naman" Reklamo ko.
"Bawal ba?" Tanong nito.
"Kumain ka na ba?"
"Oo" Maiksing tugon nito.
"Ang dami ko ng nabasang istorya sa wattpad pero sa'yo nasaan na?" Saad ko.
"Pinaplano ko na, chill" Mayabang na saad niya.
"Pakibilisan at naiinip na 'ko" Reklamo ko pa.
"Dami mong say, kumain ka nalang" Pang-aasar nito.
Tinarayan ko lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Pagkatapos ay hinugasan ko na ang piankainan ko.
"Paalam lang ako kay Papa, bago tayo umalis." Wika ko bago ko umakyat. Nagtungo na 'ko sa kawarto nila ni Mama para magpaalam.
Tinapik ko si Papa ng tatlong beses, sapat na para magising ito. "Pa, aalis na po ako, may almusal na rin po sa ibaba." Wika ko.
"Umalis ka na, istorbo!" Sigaw nito.
Sa bawat sigaw niya para bang tinutusok ang puso ko. Galit pa rin siya sa'kin at patuloy na sinisisi sa nangyari. Isinara ko na ang pintuan at bumaba na.
"Okay ka lang?" Tanong ni Steven.
"Oo" Nagsinungaling nanaman ako na ayos lang ako kahit hindi.
Lumabas na kami ng bahay at ini-lock ang pinto pati na rin ang gate. Nag-aabang na kami ngayong ng tricycle palabas ng village. Inaangat-angat ko ang bag ko dahil medyo mabigat iyon.
"Mabigat nanaman ang bag mo 'no?" Seryosong tanong nito.
"Hindi ha!" Tanggi ko pa.
"Akin na, nahihirapan ka na nga ide-deny mo pa." Wika nito at kunuha ang bag ako.
Hinawakan niya lang 'yon gamit ang mga kamay niya hanggang makasakay kami ng tricyle. Nang nasa labas na kami ng village ay nag-abang na kami ng jeep sa may waiting shed. Medyo punuan ang jeep dahil Lunes ngayon.
Nang makasakay na kami sa jeep ay kinuha ko na ang bag ko sa kniya.
"Ako na magbibitbit, ginagawa mo naman akong bata." Wika ko.
Tinawanan niya lang ako. Bumaba na kami sa may kanto at naglakad na papunta sa Veroso. Nang makapasok kami sa loob ay dumiretso na kami sa building namin at nagtungo na agad sa silid-aralan namin.
"Himala wala pa ang dalawang babae?" Wika ko.
"Baka parating na rin 'yon." Wika ni Steven.
Inilapag muna namin ang bag naming dalawa sa upuan bago tumambay sa labas para intayin ang dalawa. Nakaupo kami ngayon sa lapag.
"Ano 'yang ginagawa mo?" Tanong ko nang may isinusulat siya sa isang kwaderno, "Admiring Her, Secretly?" Basa ko sa sinulat niya.
"Oo, ayan ang pamagat ng kwentong una 'kong isusulat."
"Interesting huh?" Wika ko. "May idea na 'ko." Dagdag ko pa.
"Shhh!" Pagsita nito sa'kin.
"Oh ayan na ang dalawa."Sambit ko at tinuro si Yna at Anna na papunta sa amin.
"Himala nauna yata kayo ngayon?" Bungad ni Yna.
"Kami lang 'to!" Mayabang na saad ko.
"Yabang ha!" Wika ni Anna.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...