"Ako na sa lapag, diyan ka sa kama." Wika niya.
"Eh, Ako na." Pilit ko pa. "Ako ang bisita kaya dapat ako nasa sahig eh!"
"Hindi na, mas komportable ka riyan kapag diyan ka natulog." Wika niya pa.
"Paano ka?" Tanong ko.
"May extra namang mattress." Saad niya.
Nilalabas niya na ngayon yong mattress na nakatago sa ilalim ng kama niya. "I told you!"
"Ako na kaya riyan?" Saad ko.
"Hindi na, ako na rito." Saad niya pa.
"Sure ka ha?" Paninigutado ko pa. Inaayos niya na ngayon ang sapin.
"Oo" Maiksing tugon niya.
"Ikaw na kaya gumamit nitong unan mo." Wika ko. "Ako na gagamit ng throw pillow."
"Ikaw na gumamit." Saad niya.
"Sige, sabi mo eh" Ani ko. "Bahala ka babaho 'to."
"Okay lang." Maising saad niya.
"Matutulog ka na?" Tanong ko.
"Oo, may pasok pa bukas." Aniya.
"Sige, good night!" Bati ko at nahiga na rin.
Tahimik na ang kwarto at tanging moon lamp at digital clock nalang ang nagpapaliwanag sa kwarto.
Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ng mga nangyari kanina. Nasaktan ko si Papa.
Nag-flashback lahat ng mga sinabi niya sa'kin kanina. Nanunubig na ang mga mata ko. Kung hindi pala namatay si Mama, sana ay masaya kami ngayon.
"Kasalanan ko lahat." I blamed myself again.
Umiiyak ako ng tahimik para hindi magsing Steven at maistorbo ko ang tulog niya. Kaya ko pa ba?
"Kaya mo 'yan, Aelia."
"Matapang ka, okay."
"Pagsubok lang 'to."
I cheered up myself, sarili ko lang ang mayroon ako sa gabing ito.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Steven nang umupo siya sa kama.
Tumalikod agad ako at pinunasan o ang mga luha ko gamit ang palad ko.
"Hindi ah!" I lied.
"Bakit namamaga ang mata mo?" Tanong niya.
"Puyat lang 'to." Saad ko pa.
I can't stop crying when he hugged me.
"Aelia, you don't need to pretend." Aniya. "Nandito lang ako kapag may problema ka."
"Steven, hindi ko na kaya." Malamya na nag boses ko.
"Kaya mo, okay?" Wika niya. "Kaya mo, Aelia."
Malungkot na rin ang mga mata niya ngayon. "Matulog ka na." Saad nito.
Humiga na 'ko sa kama at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Nagising ako nang mag-alarm ang cellphne ko. Alas singko na ng umaga. Hinawi ko ang kurtina para matanaw ang labas, madilim pa.
I saw steven sleeping in the edge of the bed. "Nakabantay lang siya sa'kin?" Tanong ko sarili ko.
"Steven" Pag-gising ko sa kaniya. "Gising na, alas singko na.
Inangat niya na ang ulo niya mula sa pagkakayuko.
"Okay ka lang?" Tanong niya agad.
"Oo, Steven." Saad ko. "Okay ako."
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...