Isang linggo nalang bago ang Periodic Test namin. Kaya nagsimula na 'kong mag-review. Sinimulan kong aralin mula Lesson 1. Completion Week nalang ngayon, wala nang pinapagawa sa amin. Ang kailangan lang ay gawin ang mga hindi namin nagawang school works.
Mabuti nalang ay kumpleto na 'ko, kaya mas makakapag-focus ako sa pagre-review.
Target ko na makasama ako sa Top ngayong 1st Grading. Gusto ko na maging proud ang magulang ko sa akin at mapasaya sila. Dahil iyon lang ang maisusukli ko sa pagsisikap nila para makapag-aral ako. Mag-aaral ng mabuti at uwian sila ng mga karanglan na natatanggap ko.
Kapag ay nasa school ay same routine lang, kasama ko ang mga kaibigan ko na kumain tuwing break at lunch time. Puro tawanan at kwentuhan. Sobrang saya ko na dumating sila sa buhay ko.
Makalipas ang isang linggo ay Exam Week na.
"Kinakabahan ako." Pagwika ni Anna.
"Kaya mo 'yan, tiwala sa sarili. Kaya natin 'to!" Ani ko.
Tumango-tango lang siya. Maya maya ay dumating na si Binibining Galvez. Ilang saglit lang ay nagsimuka na ang pagsusulit. Dalawang araw ang exam namin. Apat na subject ngayong araw at apat kinabukasan.
Matapos ang pagsusulit ay panatag ang loob ko dahil nakasagot ako ng maayos kanina. Sana nga lang ay mataas ang mga makuha kong scores sa test. Maaga rin ang uwian namin ngayon, saktong alas dose ng tanghali ay pinalabas na kami.
"Ano nasagutan mo ng maayos?" Tanong ko kay Anna.
"Oo, sa math ay medyo nahirapan ako." Aniya.
Kumain kami sa labas ng paaralan ng mga street foods.
"May training kayo?" Tanong ko kay Steven.
"Wala, exam day ngayon pati bukas kaya wala kaming training hanggang bukas." Aniya.
Tumango-tango lang ako at nagpatuloy s pagkain ng kwek kwek na binili ko.
"Mahirap test niyo sa CCS, Yna?" Tanong ni Anna.
"Ayos lang, more on meanings yung tanong eh." Aniya. "Mabuti nalang at nag-review ako." Dagdag pa nito at tumawa.
"Tambay ulit tayo sa inyo, Aelia, pagkatapos ng exam bukas." Aya ni Anna.
"Ay bet!" Wika ni Yna. "Ang tanong pwede ba?" Dagdag pa niya.
"Oo naman, ako lang naman ang mag-isa sa bahay. Kaya wala rin akong kasama tuwing hapon dahil may trabaho na si Papa." Ani ko.
"Ayon naman pala eh. Pero paalam ka muna sa parents mo ha, message ka nalang sa gc natin if pumayag." Wika ni Anna.
"Sige." Ani ko.
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin kaming apat dahil kailangan pa namin mag-review para sa test bukas. Pagkauwi ko ay nagpalit na 'ko ng damit at nireview ko ulit ang mga aralin na nireview ko noong last week.
Pagkatapos magreview ay nanood nalang ako sa ibaba ng TV. Mga alas kwatro na rin ako natapos mag-review.
May narinig akong kumakatok sa gate kaya tinignan ko muna iyon sa bintana. Tama ang hinala ko si Steven 'yon. Sumenyas ako na maghintay siya. Lumabas na 'ko at binuksan ang gate.
"Ano tapos ka na mag-review?" Tanong ko.
"Oo" Maiksing saad niya.
Pumasok na kami sa loob.
"Anong gusto mong meryenda?" Tanong ko.
"Ikaw bahala" Aniya.
"Egg Sandwich, want mo?" Ani ko.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...