Sabado ngayon, tuloy sila Aliah at Samantha rito sa'min ngayon.
Aelia:
Anong oras kayo pupunta?Aliah:
Mga 1 or 2 ng hapon, sabay na
kami darating diyanAelia:
Sge sge, wait ko kayo.Samantha:
KKB ba meryenda?Aliah:
Hindi, libre mo.Aelia:
Oo nga, Sam. Libre mo na.Samantha:
Hoy! Walang usapang ganyan
noong nag-usap tayo. Lakas
niyo ah!Aliah:
Tatambay din ba yung nobyo
mo diyan mamaya?Napakunot ang noo ko habang nagtitipa ng reply.
Aelia:
Nobyo ko?Aliah:
Oo, si Steven HHAHAHAASamantha:
Tuturutut STEVE!Steve tayo mamaya, kung
pupunta 'yan.Aelia:
Steve??Aliah:
Try mo kaya magtiktok, ano?
Para updated ka, trend 'yon sa
Tiktok.Samantha:
Thirdwheel!Aelia;
Yan nanaman kayo sa
pang-aasar niyo eh! Kaibigan
ko lang si Steven.Aliah:
Fine, kung kaibigan.HAHAHAHAHA
Samantha:
Maliligo na ko byee!Eleven na! Maligo
ka na rin Aliah.
Aliah:
Ayoko nga.Kidding! Ito na.
Samantha:
See you mamaya, Aelia!Nag-heart react ako ro'n sa message ni Samantha. Nang magtwe-twelve PM na ay naligo na rin ako.
Nagbihis na rin ako kaagad dahil pagkalabas ko ng banyo ay nabasa ko sa text na malapit na raw sila. Nagsuot lang ako ng White Dress. Ginawa ko na ring messy bun ang buhok ko.
Maya-maya ay may kumakatok na sa gate, bumaba na ako at binuksan ang pintuan, natanaw ko silang nakatayo sa labas ng gate.
Lumabas na ko at binuksan ang gate para makapasok sila.
"Omg! I miss you, Aelia!" Pagyakap agad sa'kin ni Aliah.
Niyakap rin ako ni Samantha. Pumasok na kami dahil sobrang init ng tirik ng araw dahil tanghaling tapat.
Pumasok na kami sa loob at nanatili muna sa sala.
"Nagtanghalian na ba kayo?" Tanong ko.
"Oo, mamayang meryenda na lang tayo kumain." Wika ni Aliah.
"Hi po, Tito!" Bati nila kay Papa, pagkadating galing labas.
"Nariyan na pala kayo. Kumain na ba kayo?" Tanong nito.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...