Third Week na namin ngayon. Noong pangalawang week ay nagkaroon na ng mga groupings, project at madalas na rin ang graded recitation.
"Ka group kita sa Filipino 'di ba?" Tanong ni Anna.
"Oo" Maikling saad ko.
"Ikaw gagawin kong lider!" Aniya. "Sabihin ko sa mga, ka-grupo natin." Dagdag pa nito.
"Ano ba ang trip mo, dati ay ninominate mo 'ko para sa Presidente tapos ngayon ay gagawin mo naman akong lider!" Wika ko.
"Ayaw mo non" Natatawang saad niya.
Nang dumating na si Binibinig Galvez ay tumahimik na ang lahat at nakatuon ang atensiyon sa harapan.
Nagdidikit ito ng kartolina sa pisara, magsusulat nanaman bago mag discussion. Inilabas ko na ang notebook ko at nagsimula ng magsulat.
Nang matapos akong magsulat ay tumunganga lang ako dahil maya maya pa magdi-discuss si Binibining Galvez.
Sumenyas si Binibining Galvez na pumunta 'ko sa harapan. Ano kaya ang ipapagawa nito?
Nagtungo na ko sa harapan at itinuon ang atensiyon sa kaniya.
"Aelia, favor lang maaari ba kayong magplano ng iyong mga kaklase na lagyan ng mga palamuti ang room. Halimbawa ay iyong Freedom Wall lagyan niyo ng design, kung gusto niyo ay lagyan niyo 'yon ng Motivational Quotes." Wika nito.
"Okay po, Ma'am. Kausapin ko po sila mamaya." Ani ko.
"Sige, maari ka ng bumalik sa upuan mo. Salamat, Anak." Aniya.
Bumalik na 'ko sa upuan ko. Maya maya ay nagsimula na rin magtalakay si Binibining Galvez.
Noong Breaktime ay bumaba na kaming apat sa ibaba upang bumili ng makakain. Pagkatapos ay tumabay muna kamisa open area at naghanap ng mauupuan. May isang bakanteng bench doon at doon na kami umupo.
"Kinakabahan ako sa Science mamaya." Wika ni Anna.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Eh hindi ba may graded recitation mamaya. Baka hindi ako makasagot eh. Nag-review naman ako pero kinakabahan talaga 'ko." Aniya.
"Kaya mo 'yan, Ikaw pa ba!" Wika ko.
"Magkaroon ka nga ng tiwala sa sarili mo, Anna." Wika ni Yna.
"Kapag kaya ng iba, kaya mo rin." Wika ni Steven.
"Ayan nanaman sila pinapangaralan nanaman ako!" Aniya.
Tumawa lang kami at nagpatuloy sa pagkwe-kwentuhan.
Pabalik na kami sa room.
"Steven" Tawag ko kay Steven.
Itinuon niya ang atensiyin niya sa'kin. "Bakit?" Tanong nito.
"'Wag mo na kaya akong ihatid pauwi, baka nahihirapan ka eh" Ani ko.
Noong second week kasi ay nagsimula na ang training nila sa Volleyball dahil malapit nang magsimula ang next season ng High School League.
"Aelia, 'di ba ang sabi ko sa'yo dati ay hindi naman ako nahihirapan." Aniya.
"Sigurado ka ah, baka nagiging pabig-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita siyang muli.
"Aelia, never kang naging pabigat sa'kin, Okay? Hindi." Aniya.
"Salamat, Steven." Ani ko. Tinapik-tapik niya ang ulo ko ningitian ako.
"Bestfriend pa ba talaga 'yan?" Pang-aasar ni Yna.
"Tingin ko, Bess. Hindi na." Pang-aasar naman ni Anna.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...