BIYERNES, ngayon. P.E. Uniform ang uniporme namin tuwing biyernes. Isinuot ko na ang puting plain t-shirt at jogging pants na kulay moroon red. Narinig ko na ang boses ni Steven sa ibaba.
"Magandang Umga po, Tita at Tito!" Masayang bati nito.
"Magandang Umaga rin, Steven." Bati pabalik ni Papa.
Sinuot ko na rin ang sapatos ko at hinigpitan ang pagkakasintas. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at bumaba na.
"Tara na." Ani ko. "Pa, Ma. Aalis na po kami." Paalam ko at hinlikan silang parehas sa pisngi bago tuluyang umalis ng bahay.
Nang makarating na kami sa Veroso High ay nagtungo na agad kami sa building namin at dumiretso sa silid-aralan. Natanaw namin ang dalawa na nakatambay nanaman sa labas ng room namin.
"Hi!" Bati ko.
"Nandiyan na pala kayo." Wika ni Anna.
"Mayroon ka bang Facebook Acoount or any social media acoount?" Tanong ni Yna.
"Mayroon akong Facebook Account, buong pangalan ko ang pangalan na inilagay ko doon." Ani ko.
"Add ka namin ha." Wika ni Anna. "Ito ba?" Nakaturo siya sa may profile picture ko na blue tulips. Iyon ang ginawa kong profile picture dahil ang Tulips ang paborito kong bulaklak.
Pumasok muna kami sa loob ni Steven upang ilapag ang gamit namin sa upuan. Lumabas din kami ulit para makipagkwentuhan kayla Anna at Yna. Maraming pang oras bago magsimula ang klase.
"Guess what!" Masiglang sabi ni Anna.
"Ano nanaman meron?" Nagtatakang tanong ni Yna.
"May bago na 'kong bet!" Sigaw niya.
"Sino naman 'yan?" Tanong ko.
"Yung nakaupo ro'n dati sa upuan ko ngayon, yung nasa harapan mo dati," Aniya.
"Ayaw mo ro'n sa ka-team mate ko, type ka rin niya. Sayang naman." Wika ni Steven.
"Weh? Totoo ba?" Gulat na sabi niya.
"Hindi, asa ka naman." Pang-aasar ni Steven.
"Ano ba 'yan!" Inis na sabi ni Anna.
"Gusto mo bang ilakad kita ro'n?" Tanong nito.
"Hala ano ba, 'wag na. Nakakahiya kaya!" Maarteng sabi niya.
"Napaka arte, jusmiyo!" Wika ni Yna at napailing nalang.
"Sinayang ang chance." Bulong ko.
"Final na ha? Ayaw mo?" Tanong ni Steven.
"Fine, gusto ko. Take the chance!" Sigaw nito.
"Sige, mamayang break." Wika ni Steven.
"Mamayang break agad?" Gulat na wika niya.
"Oo" Maiksing sagot ni Steven.
Bago magsimula ang klase ay pumasok na kami sa loob nagsulat na rin ako sa pisara ng attendance.
Maya maya ay dumating na rin si Binibining Galvez, siya ang guro namin sa Filipino.
Break time na namin ngayon at plano na naming puntahan ang ka-team mate ni Steven.
"Pwede bang hindi na 'ko sumama?" Kinakabahang tanong ni Anna.
"Anong hindi sasama, eh ikaw nga ang ilalakad namin!" Wika ni Yna.
"Fine" Aniya.
Nagpunta na kami sa Classroom ng Section A.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...