Dumating na yung kaarawan ni Steven, sabado ngayon at abala nga kami ni Steven sa pag-aayos dito sa garahe nila. Ang haggard ko na nga! Hindi muna ako naligo dahil alam kong pagpapawisan ako dahil sa pag-aayos. Nagdidisenyo kami rito ni Steven ngayon sa garahe. Si Papa naman ay nasa bahay at abala sa pagluluto. Ganoon din si Tita Sam na abala sa kusina kanina pa.

"Ang init!" Reklamo ko pa.

"Sorry, ang ho-" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil I cut him off.

"Oo na hot ka na, tulungan mo nga ako magkabit ng foil curtain dito!" Saad ko.

"Ano ulit 'yon, Aelia?" Pang-aasar niya. "Can you say it again?"

"Ulol, bilisan mo na." Saad ko nalang para makatakas sa akwardness na 'to! Tang- ba't ko ba sinabi 'yon? Okay calm down, inaasar mo lang siya.

"Ba't ka nagb-blush? Crush mo ko 'no?" Pang-aasar niya pa. "Siguro totoo yung sinasabi nila Aliah sa'kin."

"Hoy! Anong sinasabi sa'yo ng mga 'yon?" Saad ko. Depensa kong sagot, wala naman ako dapat ikabahala dahil hindi ko pa naman nasasabi sa kanila ang tungkol kay Steven.

"Secret!" Asar niya ulit.

"Pasalamat ka, birthday mo." Saad ko nalang at ipinagpatuloy ang pagkabit ng foil curtain.

"Dahan-dahan, 'wag mo madaliin pagkabit. Umaalog na yung upuan oh, mamaya mahulog ka sa'kin." He teased me again.

"Kadiri, gago." Sabi ko nalang. "Ikaw ata may gusto sa akin eh"

"Pa'no kung, oo?" Saad niya. Huh, joke pa ba 'to?

"Baliw" Saad ko nalang at tumawa.

Nang maayos na ang lahat sa garahe ay nagpaalam muna ako kay Tita Sam na uuwi muna ako para mag-ayos.

"Steven" Itunuon niya agad ang atensyon niya sa'kin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Mag-blue ka ah." Saad ko.

"No need to say it, ayon yung plan ko." Saad niya. "Nako, gusto ko kaparehas ng kulay ng damit oh."

"Baliw, para maganda sa picture!" Saad ko. "Sige na, bye for now."

Nang makauwi sa bahay ay napahiga agad ako sa kama ko dahil sa pagod. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Steven! Ano yung sinasabi nila Aliah?

Tinawagan ko agad si Aliah. [Ba't ka napatawag, nabago ba oras? Late na ba kami?]

"Kalma, Girl! Ikaw ha, may sinasabi ka ba kay Steven?" Tanong ko.

[About what? Na crush mo siya?] Biro pa niya.

"Ulol ka, ano nga?" Tanong ko ulit.

[About saan nga teh?] Seryosong tanong niya.

"Ewan ko rin do'n! Secret daw." Saad ko.

[Baliw, basta wala naman ako sinasabi na anything about you. Inaasar ka lang no'n, hindi ka na nasanay.] Saad niya.

"Uhm, lipat tayo sa gc natin na hindi kasama si Steven. May sasabihin ako." Saad ko.

[Ang seryoso ha, sige wait. Baba ko na.] Saad niya mula sa kabilang linya.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ulit ang CP ko, video call iyon galing kay Aliah, sa GC namin.

[Napatawag ka, Aliah? Ano may chika ba?] Bungad ni Samantha.

[Yung isa ang merong chika.] Saad ni Aliah.

"Uhm...ano kasi" Ba't ba ako kinakabahan, argh! "I think, gusto ko si Steven."

SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARAWhere stories live. Discover now