Exam and Completion Week na namin. Monday at Tuesday ang Exam namin at pwedeng magpasa ng mga kulang hanggang biyernes.

Wala 'kong ibang ginawa kung hindi mag-review noong mga nakaraang araw.

"Kinakabahan na 'ko." Wika ni Anna.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Baka mababa ang iskor na makuha ko." Saad niya.

"Ano ka ba, tiwala lang!" Wika ni Yna.

"Sabi mo rin 'yan dati, pero nakasama ka pa sa top." Sambit ni Steven.

Apat na subject ang ite-take namin ngayong araw at kinabukasan ay apat rin.

Nalulungkot ako para kay Anna, dahil lagi siyang nag-aalinlangan sa sarili niya na baka mababa ang makiha niyang score, mababa amg grado na makuha niya. Pero alam ko naman na kaya niya 'yon, kaya niyang makapasa.

Nang mag-alas syete na ay nagsimula na kami magsagot ng pagsusulit. Math pa ang una! Drain agad ang utak ko.

Afte ng Math ay English naman, kaya ko naman na 'to dahil nag-review naman ako kagabi.

Hindi ko naman na-comsume yung isang oras sa pagsagot kaya nireview ko nalang ang mga sagot ko dahil marami pang oras.

Tapos na ang lahat at sakto ay breaktime.

"Ano kamusta math?" Tanong ko.

"Natuyot utak ko." Biro ni Anna.

"Same" Saad ni Yna.

Bumaba na kaming apat para kumain sa ibaba.

"Oh himala sa'tin sumama ngayon ah?" Wika ni Steven.

"Pababa na raw siya." Wika ni Anna at nakatingin sa cellphone.

"Ah bababa naman pala" Wila ni Yna.

"Ano bibili ba tayo?" Tanong ko.

"Aelia, yung crush mo sa kabilang section oh!" Sigaw ni Yna.

"Gaga, anong crush!" Pagtataka ko.

"Yung transferee" Saad niya at tumawa pa.

"Hindi ko naman crush 'yan" Tanggi ko.

Tinutukoy ni Yna 'yong transferee sa kabilang section.

"Ayon yung naka-hoodie at headphones 'di ba?" Tanong ni Anna.

"Oo, ang tagal-tagal na no'n." Wika ko.

Pumasok na si Steven sa loob ng canteen para bmili ng makakain namin, si Anna ay pumasok sa loob para tulingan si Steven.

Maya-maya ay lumabas na sila. "Oh mga Senyorita" Wika ni Steven.

"Salamat, Kuya." Pang-aasar ko pa.

Naglakad lakad muna kami sa open area habang kumakain at nagkwentuhan.

"Nasaan na yung Khairo na 'yon?" Saad ni Anna.

"Baka pababa na, may ginawa lang." Saad ko.

"Punta tayo sa Gymnasium mamaya." Aya ni Yna.

"Ba't bigla kang nag-aaya riyan?" Tanong ko.

"Basta!" Wika nito.

"May crush ka na ro'n no?" Pang-aasar ko.

"Hmm...si Valeria!" Saad niya.

"OMG! Yung team captain ng basketball team?" Saad ni Anna.

"Ahh...oo" Wika nito.

"Finally!" Wika ko. "May nagustuhan ka na rin."

"Wow, makapagsalita akala mo meron siya." Pang-aasar nito.

SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARAWhere stories live. Discover now