Kakatapos lang ng Christmas Break. Araw-araw nanaman kailangan gumising ng maaga! May assignments nanaman na gagawin. Pero masaya na rin dahil makakasama ko na ulit ang mga kaibigan ko. 

"Aelia, nandito na si Steven!" SIgaw ni Papa. Araw-araw ko naaman maririnig 'to.

"Pababa na po!" Sigaw ko para marinig hanggang baba ang sinabi ko. Nagpabango lang ako at hinayaan ang buhok ko na nakalugay.

As usual, maabutan ko nanamang nakahiga sa sofa si Steven. "Tumayo ka na riyan, magugusot nanaman 'yang uniporme mo." Saad ko.

"Okay, Ma." Pang-aasar pa nito.

"Pa, alis na po kami." Saad ko at hinalikan si Papa sa pisngi.

Nang makarating kami sa Veroso High ay nagmadali na kaming pumunta sa silid-aralan namin. Nakita namin sila Anna at Yna nakatambay  sa may hallway sa tapat ng silid-aralan namin. As usual, mga nagdadaldalan.

"Tara na, miss ko na sila!" Saad ko at hinawakan ko ang kamay ni Steven at tumakbo papunta kila Anna. 

"Aray ko, dahan-dahan!" Reklamo pa ni Steven.

"Ay ayan na pala yung magkaibigan." Saad ni Anna. "O...magka-ibigan?" 

"Ang aga-aga, Anna. Lakas mang-asar ah!" Saad ko.

"Ano topic niyo?" Tanong ni Steven.

"Kayo" Saad ni Yna.

"Ewan ko sa inyo." Saad ni Steven. "Akin na bag mo, Aelia."

"Ako na.' Saad ko.

"Hindi na ako na." Pilit niya pa.

"Fine" Saad ko at ibinigay ang bag ko sa kaniya. "Ikaw naman mabibigatan eh."

"Kaya ko, malaki biceps ko 'no!" Biro niya pa.

"Mama mo, biceps!" Sigaw ko.

"Ba't mo hawak kamay ni Steven? Something fishy, girl!" Pasng-aasar ni Anna.

"Gaga! Pa'nong magiging kami eh hindi naman ako gusto no'n." Saad ko.

"Huh so gusto mo siya?" Saad ni Yna.

"Hindi rin, kaya malabong mangyari 'yon." Saad ko. 

"Anong chika?" Singit ni Shaira na kakadating lang.

"Denial stage na po ang friend natin." Saad pa ni Anna.

"Denial about?" Tanong ni Shaira.

"Crush niya si Steven."Pangp-aasar pa ni Anna.

"Mga baliw kayo eh no. 'Di ako papatol sa kaibigan girl." Tumawa lang silang tatlo dahil napikon nanaman nila ako.

"Ba't kayo tumatawa riyan?" Tanong ni Steven na kakalabas pa lang ulit ng room.

"Wala, tagal mo lumabas." Saad ko.

"Hey, birthday niyo na this month diba? What's your plan for your birthday?" Saad ni Shaira.

"Hindi ko pa alam eh." Saad ko. "Si Steven baka may plan na."

"Wala rin." Maiksing saad niya. 

"Oh, what if sabay na nating i-celebrate birtday niyo? Since 2 days gap lang naman." Saad ni Yna. 

"I agree with Yna." Saad ni Shaira.

"The question is saan?" Tanong ni Anna.

"Pwede naman sa bahay namin, paalam ako kay Mama." Pagboluntaryo ni Steven.

"Last na need natin i-settle, kaninong birthday tayo magse-celebrate?" Tanong ni Yna.

"I think kay Steven since weekend din yon." Suggest ko.

SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARAWhere stories live. Discover now