Nakasuot ako ngayon ng red maroon na T-shirt na may tatak na Veroso sa harap at naka-tucked in iyon sa black trouser na suot ko. Medyo wavy rin ang buhok ko at hinayaang nakalugay iyon. Tinernohan ko naman iyon ng puting tote bag at black converse na sapataos. Light make-up lang rin ang in-apply ko sa mukha ko dahil maganda naman na ako.
Nang maayos na ang lahat ay pumunta na 'ko kila Steven dahil sasabay ako sa kanila papuntang Arena dahil championship na ng High School League ngayon. Pagkabukas ng gate ay bumungad sa'kin si Steven na nakasuot na ngayon ng Jersey ng Veroso. Kulay maroon red na dri-fit na t-shirt at short 'yon.
"Pogi ng Captain na 'yan ah!" Bungad ko.
"Syempre naman, ako pa?" Saad niya. "Baka MVP 'to mamaya!"
Pumasok na kami sa loob at dumiretso siya sa may sala dahil nag-aayos siya ng gamit.
"Oh, nandiyan ka na pala Aelia." Saad ni Tita Sam.
"Hi po, ganda niyo po!" Saad ko.
Nakasuot din si TIta Sam ng t-shirt ng Veroso na katulad sa akin at naka-tucked in iyon sa suot niyang navy blue na fitted pants , bumagay iyon sa kaniya dahil matangkad siyang babae. Naka-hills din siya at straight na straight ang maiksi niyang buhok na hanggang leeg,
"Ikaw din!" Saad niya. "Tapos ka na ba riyan, Steven?"
"Opo, tara na po." Isinukbit na niya ang gym bag sa balikat niya.
Lumabas na kami at sumakay na sa may kotse ni Tita Sam. Nang makarating sa Arena ay nag-hanap na kami ng upuan na naka-assign sa side ng Veroso, sa bandang gitna kami umupo para maganda ang view kapag naglalaro na. Maya-maya ay dumating na rin sila Anna, Yna, Austeen at si Shaira. Nagkabatian lang pagdating nila at umupo na rin sa tabi namin.
"Wala pa si Khairo?" Tanong ni Steven.
"Wala pa, pero papunta na araw sila ni Tita." Saad ni Anna.
"Okay, sabihin mo akyat muna siya rito pagdating." Saad ni Steven.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na nag MC. Nasa court na sila Steven at Khairo. "Welcome to the Championship game of High School League!" Energetic na pagkasabi ng MC.
"Make some noise, Verosonians!" Masiglang saad ng MC.
Nagsigawan na ang mga Veroso Supporters, may mga hawak na mahahabang lobo at may ilan rin may hawak ng banner. Isinigaw rin ang cheer ng Veroso. "Let's go, Verosonians! Hindi nagpapatalo, lalaban hanggang dulo!" Sigaw pa namin.
"Magpapatalo ba ang Del Valle Communtity?" Tanong ng MC.
"Hindi!" Sigaw ng mga taga-Del Valle at nagsimulang mag-ingay. Isinigaw rin nila ang cheer nila. "Go Del Valle! Soar High Blue Blood!"
Kabado na ang lahat dahil nagsimula na ang laro, Nanalo ang Veroso sa Set 1 at Set 2, ang Del Valle naman ay nanalo ngayon sa set 3. Kabado na ang magkabilang panig dahil kapag nanalo ang Veroso ay Champion na sila kapag nanalo naman ang Del Valle ay may set 5 pa! Syempre hindi pwede yon!
Last point na lang para manalo ang Veroso kaya todo na ang cheer ng magkabilang side. Tanging cheer lang ang maririnig mo sa Arena.
"Go Steven!" Sigaw ko. Saktong nag-land ang bola sa down the line pagka-spike ni Steven.
"Veroso is our Champion for this Season 21!" Malakas na pagkakasabi ng MC. "But remain silent for now for the school hymn of Veroso."
After ng school hymn ng Veroso at Del Valle ay umingay na ulit ang loob ng Arena. "Lets's move on in Awarding Ceremony. "
"Our Best Libero is...from Horizon High School!" Pabitin pa ng MC. "Jersey #14, Liam Roy Agustin!"
"Now, let's move on to Best Opposite Hitter! And guess what, he's also from Horizon High School!" saad ng MC. "Jersey...#13, Sebastian Leo Alvarez!"
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...