10 A.M. na ngayon, nag-aayos na ako ngayon ng sarili ko, dahil mamasyal kami sa Mall nila Aliah at Samantha.
Aliah:
Ano, hindi raw ba sasama
si Steven?Aelia:
Hinidi raw
Aliah:
Okay, so tayong tatlo lang?
Samantha:
Hindi
Aelia:
Wdym?
Samantha:
Sasama ko si Skye!
Pwede ba?
Aliah:
Oo naman
Aelia:
Thirdwheel tayo niyan.
Aliah:
Babush, mag-aayos na ko
Samantha:
Tagal niyo naman kumilos!
Aliah:
Wow ha! Ba't ikaw tapos ka na mag-ayos?
Samantha:
Hindi pa, maliligo pa nga lang eh.
Aliah:
Ano????
Aelia:
Hoy!
Anong maliligo pa lang??
Samantha:
Joke lang!
Mga uto-uto talaga kayo!
Aliah:
😾😾😾
Aelia:
🔪🔪🔪
Bye, tutuloy ko na pag-aayos
sa sarili ko.Samantha:
Katakot naman emojis niyo
hshshshsKinulot ko muna ang buhok ko at nag-make-up ng kaunti. Pagkatapos ay nag-suot na ko ng kulay pink na dress.
Nagpabango na 'ko at isinuot ko na rin ang white sneakers ko. Sinuot ko na rin ang kwintas ko na may moon pendant.
Ime-message ko si Steven dahil baka magpunta 'yon dito nang wala ako. Sinabihan ko naman na siya kahapon pero baka malimutan niya.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...