EPILOGUE

14 0 0
                                    

May nakita akong batang naglalaro ngayon sa labas ng katapat ng bahay. Natanaw ko kaagad ang mukha niya. Familiar ah.

Kakalipat lang namin kahapon dito sa Village. Naglalaro lang ako ngayon ng Volleyball mag-isa. Nahiya agaad ako nang nilapitan niya ako. "Bagong lipat ka dito?" Bungad niya.

Napatigil ako sa pagalalaro para kausapin siya. "Yes" Maiksi ko namang tugon. Nag-drible lang ulit ako ng bola.

"Ano name mo?" Tanong niya.

"Steven" Tumigil ulit ako sa pagdi-drible ng bola. "Ikaw, ano name mo?"

"Aelia ang name ko." Pagpapakilala niya. "Ilang taon ka na?" Tanong niya pa.

"Eleven years old na ako, Ikaw?" Ani ko.

"Ah, parehas lang tayo!" Saad niya.

Narinig kong tinawag ako ni Mama na nasa garahe ngayon. Kaya nagpaalam na ako sa kaniya. "Bye, tawag na 'ko. Bukas ulit."

"Sino 'yong kausap mo?" Taong ni Mama.

"Si Aelia po, yung nakatira po sa katapat nating bahay." Saad ko. "Mabait po siya!"

"Mabuti naman at may nakilala ka na." Saad ni Mama.

"Kaya nga po eh, may kalaro na ako!" Masayang saad ko.

"Sige na, magpalit ka muna ng damit dahil basang basa ang likod mo.

Umakyat na 'ko sa kwarto at nagpalit ng damit. Bumaba rin ako pagkatapos. Nagmeryenda lang ako ng niluto na saging ni Mama.

Kinabukasan. Hapon na ngayon, masaya akong lalabas ngayon dahil may kalaro na ako. Pero pagkalabas ko ay hindi pa siya lumalabas ng bahay nila kaya ng dig nalang muna ako ng bola.

Maya-maya ay nakita ko nang lumabas si Aelia sa bahay nila at tumawid agad papunta sa amin.

"Hi, pwede sumali?" Bungad niya at kita ang tuwa sa mukha niya.

Pumayag namamn ako kaagad dahil, mas ayos ng may kalaro ako kaysa naman naglalaro lang ako mag-isa rito.

"Paano ba 'yan?" Tanong niya.

"Turuan kita." Saad ko. Inaayos ko sa tamang porma ang mga kamay niya. Pinakita ko naman ang tamang posture kapag magri-recieve ng bola at ginaya niya naman 'yon.

"Tama ba ang ginagawa ko?" Tanong niya.

"Yes, mabilis ka pala matuto eh." Saad ko.

"Ako pa? Lagi kaya akong Top 1 sa class namin!" Pagmamalaki niya pa. Matalino rin pala siya.

"Weh? Maniwala?" Hirit ko pa.

"Oo nga, pakita ko pa medals ko sa'yo eh!" Saad niya.

"Sige nga, patingin ako bukas ah." Saad ko. "Laro na tayo baka mamaya tawagin na 'ko ni Mama."

Naglaro lang kami at nagpasahan ng bola gamit ang braso, na-apply naman niya ang itinuro ko sa kaniya. Ang bilis niya matuto, matalino talaga ata siya! Tumigil nalang kami nang magreklamong pagod na siya.

"Pahinga na tayo, napagod ako ro'n ha." Saad niya pa. Umupo kami ngayon sa lapag at sumandal sa gate para magpahinga.

"Nagtre-training ka ng Volleyball?" Tanong niya sa akin at nakangiti.

"Yes" Maiksing saad ko. "Gusto ko kasi maging sikat na player eh."

Bata pa lang ay iyon na ang pangarap ko. Maging sikat na player kagaya nila Alyssa Valdez! Gusto ko rin makalaro sa UAAP gaya nila. Sinusuportahan naman ako nila Mama at Papa. Nakailang bili na nga sila sa'kin ng bola, mga sampung bola na ata ang nabili nika sa akin kaya lang lagi kong nabubutas.

SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARAWhere stories live. Discover now