Ika-tatlong taon na namin sa High School. At parehas na rin kami ng paaralang pinapasukan. Maaga siyang pumunta sa bahay upang sunduin ako.
"Aelia, bilisan mo at nandito na si Steven!" Sigaw ni Mama.
"Opo, pababa na!" Sigaw ko.
Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at bumaba na. Natanaw ko si Steven na nakaupo sa sala na parang siya ang may-ari ng bahay.
"Ma, Pa. Aalis na po kami." Paalam ko at humalik sa pisngi nila.
"Mag-ingat kayo. Ingatan mo 'yang anak ko Steven." Sambit ni Papa.
"Opo, ako pa po ba, Tito!" Mayabang na sabi niya.
Nag-aabang na kami ng Tricycle na masasakyan papuntang Eskwelahan. "Sana magkaklase tayo!" Masayang sabi ko.
"Sana nga." Aniya.
Nang makarating na kami sa Veroso High ay pumasok na kami sa entrance. Ang laki pala nito! Sa loob ay may malawak na field at may tatlong gusali.
"Ang laki pala nito!" Sambit ko.
"May likuran pa 'to, naroon ang Gymnasium at Running Oval." Aniya.
"Tara punta tayo do'n!" Masayang sabi ko.
"Mamaya na, hanapin muna natin ang section natin." Sambit niya.
Naglakad na kami patungo sa building na nasa gilid namin. Dito ata ang building ng Grade 9 o tinatawag din na 3rd Year High School.
"Dito ang building ng Grade 9?" Tanong ko.
"Oo, Grade Nine at Grade Ten." Aniya. "Doon naman sa kabila ay ang Grade Seven at Grade Eight." Dagdag niya pa.
"E, iyong building sa dulo?" Tanong ko.
"Ah ayon naman ay building ng mga teacher. Nandoon lahat ang faculty ng mga teachers." Aniya.
Sa ground floor ay canteen at comfort rooms lang ang naroon, Ang mga silid-aralan ay nasa ikalawang palapag hanggang sa Ika-Anim na palapag. Umakyat na kami sa Ikalawang Palapag at nagsimula ng hanapin ang pangalan namin. Ang mga pangalan ay nakapaskil sa may pintuan, napakaraming tao at ang ibang estudyante ay kasama pa ang magulang.
"Aeila" Tawag ni Steven.
"Ba't nahanap mo na ba ang pangalan ko?" Tanong ko.
"Oo, magkaklase tayo!" Masayang sabi niya.
"Yes!" Masayang sabi ko.
Pumasok na kami sa loob ng room, may dalawang bakanteng upuan sa likod doon nalang kami naupo.
Dumadami na ang estudyante sa loob ng room namin. Dumating na rin ang guro namin. Swerte nalang kung mabait!
"Steven, mabait ba 'yan?" Tanong ko.
"Oo, mabait yan!." Aniya. "Sabi ng mga grade 10."
"Magandang Umaga, tayo ay ay flag ceremony kaya pumila na kayo doon sa labas ng maayos." Sabi ng guro namin.
"Saan ginaganap ang Flag Ceremony?" Tanong ko.
"Sa Gymnasium" Sambit niya.
Nang makarating na kami sa Gymnasium ay nakapwesto na kami kung saan nakapuwesto ang mga Grade Nine. Pagkatapos ng Ceremony ay may mga kaunting annoucements lang na sinabi at bumalik na rin kanya-kanyang silid-aralan.
"Magandang Umaga, ako ng pala si Binibing Galvez." Pagpapakilala ng guro namin.
Tumayo kaming lahat at bumati pabalik. "Magandang Umaga, Binibining Galvez!" Pagbati naming lahat at umupo na ulit.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...