It was a tiring day, natulog agad ako pagkatapos kumain dahil 'di ko na alam ang gagawin ko.
Umiinom si Papa at ngayon walang trabaho. Paano kami mabubuhay nito?
Kailangan ko bang maging working student?
Kumakain ako ng umagahan nang dumating si Steven.
"Aga nanaman!" Rekalamo ko.
"Ayaw mo ba?" Tanong niya.
"Drama mo" Sambit ko at tumawa.
"Namamaga ata ang mata mo?" Aniya.
"Wala 'to, pagod lang." Wika ko pa.
"Umiyak ka ba noong umalis ako?" Tanong niya.
"Hindi 'no!" Tanggi ko pa.
"You're lying, 'di ka makatingin ng diretso sa'kin?" Seryoosng saad niya. "Please, sabihin mo na...makikinig ako."
"Wala ng trabaho si Papa." Maiksing saad ko.
"The fu-" Hindi niya tinuloy ang balak niyang sabihin. "Bakit daw?"
"Tingin ko, hindi na siya pumapasok at umiinom nalang." Wika ko. "Kaya siya natanggal sa trabaho."
"Ha? Paano kayo?" Puno ng pag-aalala ang boses niya.
"Ewan...Baka mag working student ako." Saad ko.
"Aelia naman...baka mahirapan ka niyan." Aniya.
"Kakayanin" Maiksing saad ko at ngumiti.
"Kakausapin ko si Tito Alfred." Wika niya.
"Hindi na, baka pati ikaw ay mapag-initan" Saad ko.
"Okay lang, para sa'yo" Pagkumbinsi pa niya.
"Hindi na" Maiksing saad ko. "Doon ako mamasukan sa karinderya ng kaibigan ni Mama."
"Tutulungan kita rito sa bahay...nandito lang ako." Saad niya at niyakap ako.
"Salamat" Maiksing saad ko.
"Tara na?" Aya niya.
"Sige, lagay ko lang 'to sa lababo." Ani ko.
Nang makarating na kami sa Veroso ay diretso na kami sa classroom namin.
The usual, naabutan namin ang dalawang babae sa labas ng room.
"Morning!" Masayang bati ko.
"Walang 'good'?" Tanong ni Yna.
"Wala, pumayag ba 'ko?" Biro ko.
"So anong chika?" Tanong ni Anna.
"Future working-student!" Masyaang saad ko.
"Gaga! Anong working-student?" Nagtatakang tanong niya.
"Malamang magtratrabaho 'ko!" I keep my energy high.
Alam kong bawal pa magtrabaho sa edad kong 'to, pero kailangan eh. Nagpadala naman yung mga kapatid ni Papa pero hindi naman iyon sapat sa gastusin sa bahay kaya kailangan pa rin magtrabaho.
"Ba't, wala nang trabaho ang tatay mo?" Tanong ni Yna.
"Ano pa nga ba?" Saad ko at tumawa.
Matapos ang dalawang klase ay breaktime na.
"Himala sa amin ka sasama ngayon?" Wika ko.
"Absent eh!" Wika ni Anna "Miss ko na siya."
"Landi!" Sambit ni Yna at tumawa.
"Ako lang 'to." Saad ni Anna.
Nasa library kami ngayon dahil nag-aya si Steven dito.
"Sinusulat mo na 'yong Prologue?" Tanong ko.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...