Last week na ng June, 1 week na lang bago mag-start ang bagong school year. Grade 10 na kami.
"Kaya mo pa ba?" Pagtukoy niya sa basket na dala dala ko na ang laman ay school supplies.
"Oo naman, ako pa?" Mayabang na saad ko. "Baka ikaw."
"Ako pa? Athlete ata 'to." Saad niya.
"Yabang mo, tara na nga!" Saad ko.
Pumunta na kami sa highlighter sections. Kumuha ako ng dalawang set pero magkaiba 'yon ng designs.
"Ano ka, tindera?" Pang-aasar ni Steven.
"Sayang naman organizer ko sa bahay, 'wag ka nga epal diyan." Saad ko.
"Oh chill!" Saad niya. "Bilis mo naman mapi-"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang umamba ako na hahampasin siya ng ruler.
"Ano?" Saad ko.
"Joke lang eh!" Saad niya. "Tara na nga."
Pumunta na kami sa counter at pumila na. Nang turn na namin ay nilagay ko na sa counter ang mga kinuha ko na school supplies
Si Steven na ang sumunod sakin pagkatapos ay lumabas na kami ng shop.
"Kapagod, wala bang libre diyan?" Parinig ni Steven.
"Anong libre, ikaw ang mayaman diyan." Saad ko.
"Anong mayaman, may kaya lang!" Saad niya.
"Okay, sabi mo eh." Saad ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad. Nilalakad na lang namin hanggang village at doon nalang kami sasakay ng tricycle papasok ng village.
"Nauuhaw na talaga ko, Aelia." Saad niya.
"Ito may tindahan." Saad ko.
Pumunta na kami ro'n at bumili na ng bottled water at tinapay na rin hapon na rin kasi.
"Thank you!" Masayang saad niya.
Buti na lamang ay may upuan sa tindahan na pinagbilhan namin kaya nakapagpahinga kami.
"Ba't ba kasi tayo naglakad?" Tanong ni Steven.
"Ano magd-dyip pa tayo ang lapit-lapit lang sa village?" Saad ko.
"Fine!" Saad niya.
May kaartehan din 'tong lalaki na 'to eh! Nagpatuloy na kaming lumakad hanggang makarating sa village, sumakay na rin kami sa tricycle dito sa terminal.
"Woah, kapagod!" Saad niya. "Nakasandal din!"
"Pagod ka na agad?" Tanong ko. "Hina mo naman."
"Wow ha? Mukhang inaantok ka na nga." Saad niya.
"Ikaw rin naman, tie lang." Saad ko.
"Matutulog ka nanaman ulit 'no?" Tanong niya.
"Oo, sakit ng ulo ko." Reklamo ko.
"Kumain ka muna then uminom ka ng gamot saka ka matulog." Bilin niya.
"Okay" Maiksing tugon ko.
Bumaba na kami sa tricycle at nagbayad na rin.
"Uminom ka ng gamot ha?" Paalala niya ulit. Ginulo niya pa ang buhok bago tumawid sa kabilang side.
Kumaway siya bago pumasok sa loob ng gate nila at ganoon din ang ginawa ko.
Sinara ko na ang gate at naglakad na papunta sa pinto at binuksan iyon. Tahimik ang bahay as usual dahil nasa trabaho si Papa.
Nilapag ko na ang mga binili ko sa sofa. Ni-lock ko na rin ang pinto kumain muna 'ko at uminom ng gamot bago umakyat para matulog.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...