Martes ngayon. Inaayos ko na ang necktie ko. Si Steven ay nasa ibaba na, hinihintay akong makatapos upang makaalis na kami.
Nang maayos na ang lahat ay bumaba na 'ko bitbit ang bag ko. Ang bigat nga dahil may dalawang libro, dapat pala ay iniwan ko nalang sa room ang mga books ko.
"Hi!" Bungad ko.
"Tara na?" Tanong niya.
Tumango lang ako at hinalikan na si Mama at Papa sa pingi.
"Bye po, Ma, Pa!" Ani ko, bago tuluyang lumabas ng pinto.
Nag-aabang na kami ngayon ng tricycle na palabas mg village.
"Mabigat ba 'yang bag mo?" Tanong nito.
"Medyo, may dalawa kasing libro eh." Sambit ko at inayos ang pagkakasukbit sa balikat ko.
"Palit tayo" Aniya.
"Palit ng?" Nagtatakang tanong ko.
"Bag" Aniya. "Ikaw magbitbit nitong akin dahil magaan lang naman 'to.
"Hindi na, kaya ko naman." Pagtanggi ko.
"Hindi, palit na tayo." Seryosong sabi niya.
Tinanggal ko na ang bag ko mula sa pagkakasukbit sa balikat ko, ibinigay ko 'yon sa kaniya. Kinuha ko naman ang bag niya at isinukbit ko na 'yon sa balikat ko.
"Edi magaan!" Masayang saad niya.
"Ikaw naman nahirapan." Katwiran ko pa.
"Hindi naman, okay lang." Saad niya.
Nang makarating na kami sa paaraln ay masyado pang maaga, may isang oras pa bago ang unang klase.
Umakyat na kami kaagad, natanaw ko nanaman ang dalawang babae na nasa labas at nagkwe-kwnetuhan.
"Hi!" Bati ko kila Yna at Anna.
"Hello!" Bati pabalik ni Yna.
"Anong chika?" Pabiromng tanong ko.
"Wala naman" Natatawang saad ni Anna.
"Kayo ba, may chika?" Tanong ni Yna.
"Wala" Maiksing saad ko.
Pumasok muna kami ni Steven sa loob para ilapag ang bag.
Lumabas na ulit kami, naroon na si Khairo sa labas.
"Oy Capt!" Bati nito kay Steven.
"Capt. talaga?" Sambit nito at tumawa.
"Hiya ka pa, kunin mo na oh!" Sambit ni Yna at tinulak si Anna papunta kay Khairo.
"Aray ko naman!" Reklamo ni Anna.
"Sorry, sige na mag-date na kayo ro'n." Wika ni Yna.
"Sige, bye!" Maarteng saad ni Anna.
Naglakad na ang dalawa paalis. Pumasok nalang kami sa looob dahil mainit na sa hallway, dahil sa tirik ng araw.
Si Yna ay ginawa muna ang takdang-aralin na pinagawa sa 'min kahapon. Ako namaan ay nagbabasa ng istorruang binabasa ko sa Wattad. Si Steven ay nakikipag-kwentuhan sa iba naming kaklase.
Bumalik na si Anna dahil malapit na ring magsimula ang unang klase. Dumating na si Binibining Galvez at bumati na. Mayroon kaming maiksing pagsusulit, sinulit ko na ang kaunting minuto na ibinigay sa 'min para mag-review.
Mabilis kong kinuha ang notebook ko para mag-review ng ni-lesson namin kahapon. Tahimik na ang buong room hanggang matapos ang pagsusulit. Natapos ko rin naman agad 'yon dahil madali lang. Naka-perfect rin ako pati ang tatlo.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...