"Aelia, 'yong attendance." Pagpapa-aalala sa'kin ni Yna.
Shocks! Nakalimutan ko. Agad-agad akong pumunta sa harapan at sinulat ang attendance sa board.
Pagkatapos ay bumalik na 'ko sa upuan. Nagdro-drawing si Steven ngayon ng bahay.
"Para saan 'yan?" Tanong ko.
"Pangarap kong bahay in the future." Aniya.
"Ganda naman niyan!" Pagpuri ko sa gawa niya. "Ang ganda rin ng colors, white, brown and grey!" Dagdag ko pa.
Ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang pagkukulay doon sa ginagawa niya.
"Sa TLE, Cookery ka din ba?" Tanong ko.
"Yes" Maiksing saad niya.
"Bakit hindi ka nag-technical drafting?" Tanong ko.
"Wala lang, gusto ko lang i-try ang cookery." Aniya.
Tumango tango lang ako. After ng first period ay pumunta na kaming mga cookery sa may room ng cookery. Mayroon doon cooking equipments, oven, stove at iba pa.
Ngayong first week ay inaaral muna namin ang mga uses and iba't ibang types ng equipments. Tapos baka mga second or third week ay magbe-bake na kami.
After ng TLE class namin ay bumalik na muna kami sa room. Si Yna lang ang naiiba saming apat dahil Computer System Servicing (CSS) ang kinuha niya.
Kaming tatlo nila Anna at Steven ay Cookery. Inintay muna namin makabalik si Yna bago kami bumaba ulit para bumili ng pagkain.
Maya-maya ay dumating na rin si Yna at iba pa naming kaklase na galing sa CSS na class nila. Naka-jacket pa si Yna.
"Lamig na lamig?" Pang-aasar ni Anna.
"Ang lamig kaya sa room namin, naka-aircon kasi." Aniya.
"Ay sana all nalang!" Sabi ni Anna.
Bumaba na kami para bumili ng pagkain.
"Daming tao!" Reklamo ni Anna.
Nang makabili na kami ay naupo muna kami sa bench na nasa open area.
"Pansin ko lang ang bossy ng Vice President." Pag-open ng topic ni Yna. "Naglilista pa sa blackboard ng noisy, ano tayo elementary? Naglilista wala naman sinasabi si Ma'am Galvez." Dagdag pa niya.
"'Wag ka nga judger diyan." Sabi ni Yna.
"I'm not judging her, I just stating a fact, Yna." Mataray na sabi niya. "Charot lang!" Habol niya.
Pagkatapos namin kumain at magkwentuhan ay bumalik nakami sa room dahil malapit na rin mag-time.
"Makipagpalit nalang kaya kayo ng upuan dito sa harapan namin?" Pag-suggest ko.
"Mamaya paalam tayo?" Tanong ni Yna.
"Sige" Maiksing saad ko.
Bumalik na sila sa upuan nila dahil dumating na ang nakaupo sa harap namin at malapit na rin mag-time.
Paano ba naman doon pa sila nakaupo sa ikatlong row at nasa unahan pa. Kami ay nasa pinakaunang row tapos sa pinakalikuran nakaupo.
Kakatapos lang ng pang-apat na subject. Pumunta na ang dalawa sa puwesto namin.
"Tanong niyo na bilis!" Bulong ko.
Tatanong na nila kung pwede ba silang makipagpalit ng upuan para malapit na sila sa'min.
"Hi po!" Bati ni Anna, sa dalawang lalaki na nakaupo sa harap namin.
"Yes?" Tanong ng isa.
"Ahh..pwede bang makipagpalit ng pwesto?" Tanong nito. "Doon kami nakaupo sa harapan." Nakaturo pa siya sa upuan nilang dalawa.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...