TW: Self-Harm
Grabe 'no, kapag talaga tumatanda na tayo, mas nawawala na yung saya. Parang nakakapagod ng mabuhay. Yung tipong lagi mo nalang suot ang masayahing maskara na sa likod non ay puno ng agos ng luha.
Sabi nila na "kasalanan sa d'yos ang magpakamatay dahil siya lang ang pwedeng kumuha ng buhay natin." Pero hindi naman natin masisisi kung kusa na tayong susuko 'di ba? Hindi naman natin kasalanan na mapagod. Hindi naman natin kasalanan na nasasaktan tayo. Siguro ay iyon na lamang ang paraan.
Wala akong kasama ngayon sa bahay, si Papa ay nasa trabaho. Ang kaibigan ko naman ay nasa training. Kaya ako lang ang mag-isa.
"Lord, bakit ako pa?" Pagkwestiyon ko.
Nakaupo ako ngayon sa kama at humahagulgol ng iyak.
"Sa dami nang tao, ako pa ang nagawa mong pahirapan ng ganito."
"Lord, pagod na ko...nakakapagod na."
Umupo ako sa harap ng vanity mirror ko...pinagmasdan ko ang sarili ko.
"Ang ganda ko naman!" Masayang saad ko. "Ang ganda mo, Aelia."
Nagsimula na kong mag-ayos ng mukha ko. Ginupit ko na rin ang buhok kong hanggang braso at ngayon ay hanggang taas nalang ng braso ko.
Sinuot ko na rin ang kulay bughaw na dress na binili sa'kin ni Mama.
"Ayan, mas maganda na 'ko!" saad ko.
Nilabas ko na ang ginawa kong liham at lubid sa cabinet ko. Tinali ko na ang lubid na sa may kisame dahil may kahoy doon na matibay pa. At sa bandang dulo ng lubid ay naglaan ako ng butas na kasya ang ulo ko at ibinuhol iyon.
Kinuha ko na ang upuan na nasa harap ng vanity table ko at sumampa na ro'n.
"Lord, sorry not all of your soldiers are strong."
Handa ko nang sipain ang silya papalayo sa akin.
"Aelia!"
...
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...