Limang araw makalipas nang dumating muli si Mama sa bahay. Nakasuot siya ng baro't saya.
"Ang ganda mo, Nay." Sambit ko at pinagmasdan siya sa loob ng kabaong.
Kagabi palang ay inihanda ko na ang ibang pagkain tulad na lamang ng mga bisciuts at tinapay pati na rin ang kape para sa mga bisita.
Sa nakalipas na limang araw ay hindi ako kinikibo ni Papa. "Pa gusto mo ng tinapay?"
Umiling lang ito, tahimik lang siya at nakatitig lang sa kabaong na nasa garahe namin.
Walang kapatid si Mama kaya walang ibang magaasikaso kung hindi ako at si Papa. Si Papa ang nagbabantay kapag nasa skwelahan ako.
Masaya akong punapasok sa skwelahan suot suot ang masayahing maskara na sa likod nito ay puno ng sakit dahil sa pagkamatay ni Mama at hindi pagkibo sa'kin ni Papa.
Bandang alas sais ay pumunta si Tita Sam at Steven aa bahay para makilamay.
"Hi, Tita!" Masayang bati ko. "Kamusta ka na po?"
"Okay lang ako, ikaw ang kamusta! Okay ka lang ba?" Saad nito.
"Sa totoo lang po hindi po eh." Malungkot kong saad. "Kasalanan ko po lahat 'to e'"
"Aelia, wala kang kasalanan ha?" Wika nito. "Walang ibang dapat sisihin kundi iyong mga holdaper na 'yon."
"Pero kung hindi ko po pinilit si Mama na umalis, hindi po ito mangyayari." Nanubig na ang mga mata at handa na ulit tumulo ang naipong luha. "Kasalanan ko po, Tita."
"Aelia, wala kang kasalanan." Saad nito.
Noong christmas party noong biyernes, nang nakaraang araw ay hindi na 'ko dumalo dahil wala sa panahon ang pagiging masaya sa nararanasan ko ngayon.
Kaunti nalang ang mga tao dahil gabi na. Ang mga kamag-anak ni Papa ay dumalaw rin kaninang umaga.
"Pa, maghapunan ka na po." Wika ko.
"Ayoko" Maiksing saad niya.
Ilang araw na siyang ganyan, hindi kumakain at tahimik lang buong araw. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Martes ngayon, maaga kong nagising at nagluto ng umagahan. Pagkatapos kumain ay naligo na 'ko at nagbihis dahil papasok pa 'ko sa paaralan.
Naghihintay na rin si Steven sa labas at nakaupo lang sa mga upuan na nasa labas sa tapat ng kabaong ni Mama.
Nagtungo ako sa kwarto nila Papa para magpaalam bago umalis at siya na ang magbantay sa ibaba.
"Pa, aalis na po ako." Paalam ko.
"Umalis ka na! Istorbo ka!" Sigaw nito.
"Ikaw po muna ang mag-bantay sa ibaba." Wika ko pa bago bumaba.
Lumabas na 'ko ng bahay at inaya nang umalis si Steven.
"Tara na" Wika ko. Sumilip muna ko kay Mama bago kami umalis.
"Aalis na po 'ko, Ma." Saad ko.
"Tita, ako po ang bahala rito kay Aelia. Hindi ko po pababayaan ang anak niyo." Wika ni Steven. "Ba-bye po."
Nag-abang na kami ng tricycle na masasakyan palabas ng village. Pagkalabas namin sa village ay nag-abang naman kami ng jeep pa-Veroso High.
May isang oras pa bago magsimula ang klase. Pagkarating namin sa ikalawang palapag ay natanaw na namin si Yna at Anna na nagkwekwentuhan at nakatambay sa may labas ng room.
Nagtungo na kami sa dalawa at binati ito. "Hi!" Masayang bati ko at ngumiti.
"Ay ang ganda, ngiti lang lagi kahit may problema ha. 'Wag kang susuko, nandito lang kami sa tabi mo." Wika ni Anna.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...