POV of Steven
Tulog na si Aelia ngayon, hindi pa 'ko umuuwi sa'min dahil baka kung ano nanaman ang gawin niya sa sarili niya. Natatakot akong may isang taong mahalaga sa'kin na mawawala sa buhay ko.
Mahal ko siya hindi lang bilang kaibigan; higit pa roon. I want to make her happy, ayokong nakikita siyang nasasaktan.
Dito muna ako matutulog kila Aelia, pinayagan naman ako ni Mama. Si Tito Alfred ay kanina pa dumating galing trabaho. Kinausap ko rin Tito Alfred ang nangyari kay Aelia.
Kinabukasan. Nagising nalang ako nang tinatapik ako ni Aelia.
"Ano okay ka lang ba?" Pag-aalala ko.
"Oo, okay na 'ko, don't worry." Saad niya.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig iyon galing sa kaniya.
"Tara na, nakahanda na ang food doon sa kusina." Saad ni Aelia.
Lumabas na kami sa kwarto at dumiretso na sa kusina "Favorite naman pala niya ang ulam." Saad ko. Cornbeef at sunny-side-up na itlog ang nakahain sa lamesa at may fried rice rin. Nakita kong namamaga ang mata ni Tito Alfred at ang mata ni Aelia. Nag-usap na siguro sila tungkol sa nangyari kahapon.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ko kila Tito Alfred dahil na uuwi na muna ako. Inintay ko muna maubos ang mga sasakyang dumadaan bago tumawid ppauntang kabilang side, nag-doorbell na ako at maya-maya ay bumungad sa gate si Mama.
"Oh ba't di ka pala umuwi kagabi?" Bungad niya.
"May nangyari lang po kay Aelia, pero okay na po siya ngayon." Saad ko.
"Mabuti naman, kumain ka na ba?" Tanong ni Mama.
"Opo, kasabay ko po sila Tito Alfred at Aelia kumain." Saad ko. " Ikaw po, kumain ka na?"
"Oo, Nak" Saad ni Mama. "Nak" Itinuon ko ang atensyon kay Mama.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Ano kasi...uuwi si Papa mo." Saad ni Mama.
"Para saan pa? Para sabihin niyang may iba siya sa America?" Saad ko. "'Wag na siyang umuwi, mas gusto niya naman doon, nagawa niya nga tayong ipagpalit."
"Magkakaroon ka na ng kapatid." Saad ni Mama. "Buntis ang kinakasama ni Papa mo sa America."
"Hindi ko kapatid 'yon." Umakyat na ko sa itaas at dumirestso sa kwarto ko.
Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa study table. I cleared the nickname of my dad sa lahat ng contacts na meron ako sa kaniya.
I texted Aelia. Yayain ko siya mag-volleyball para libangin ang sarili ko.
Steven:
Laro VB:) Para malibang ka naman.Nagreply naman siya kaagad.
Aelia:
Tara!
Ngayon na ba?
Steven:
Oo, may gianagawa ka ba?
Aelia:
Wala naman, labas na ako wait.Steven:
Oki, wait kita. Lalabas na 'ko.
Lumabas na 'ko at umupo na muna ko sa harap ng gate namin. Si Mama ay naglalaba ng mga damit namin sa garahe. Maya-maya ay luamabas na si Aelia at naglakad na papunta sa bahay namin.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...