Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang may nag-pop up na message sa phone ko.

Kyle: I'll treat you later:)

Ni-react-an ko na lamang iyon ng heart dahil nagmamadali na rin ako, baka mamaya ay dumating na si Steven.

"Aelia, nandito na si Steven!" Sigaw ni Papa.

"Opo, pababa na!" Sigaw ko pa marinig hanggang sa baba ang sinasabi ko.

Pagkababa ko ay pang-aasar nanaman ni Steven ang bumungad sa'kin.

"Nakangiti ka nanaman, lilibre ka nanaman ni anek 'no?" Bungad niya. Nakahiga nanaman siya sa Sofa.

"Pa'no mo alam?" Mayabang na sabi ko.

"Ay ang yabang!" Saad niya.

"Inggit ka lang." Bawi ko. "Tumayo ka na nga riyan."

"Eh ang aga pa!" Reklamo niya.

"Pa, aalis na po kami." Saad ko at humalik sa pisngi ni Papa.

"Mag-ingat kayo." Saad niya at ibinigay na ang allowance ko.

Tumayo na si Steven galing sa pagkakahiga niya sa Sofa. Nakasabit ang isang strap ng bag sa balikat niya.

"Maghanap ka na rin ng iyo, sayang kapogian mo!" Saad ko hanag naghihintay kami ng masaskayang tricycle sa tapat ng bahay. "Sayang ang dami pa naman nagkagusto sa'yo."

"Well, I don't like them. Thanks to them nalang." Saad niya.

Nang makarating kami sa Veroso High ay unti pa lang ang mga estudyante. Si Sofia palang ang nasa room, medyo madilim pa sa labas dahil alas sais palang.

"Hi, Sofia!" Masayang bati ko.

"Hello!" Bati niya pabalik.

"Aga mo ah." Saad ko. "May inspirasyon ka na ba para pumasok?" Pang-aasar ko pa.

"Wala ah, baliw 'to." Saad niya. "Ikaw ang meron." Bawi niya.

Well, 'di ko naman ide-deny ano. May inspiration na 'ko para pumasok sa school. Naisipan ko nalang na i-message si Kyle baka mamaya ay nasa school na rin siya.

Aelia:
School ka na?

Kyle:
Yes, ikaw?

Aelia:
School na rin.

Kyle:
Do you want to eat?

I'll treat you now:)

Aelia:
Sige ba, meet kita sa canteen.

See you:)

Kyle:
Okay, nandito na 'ko. Wait
kita rito.

Nag-ayos na muna ko saglit ng sarili ko kahit hindi pa naman haggard ang mukha ko, you know para always maganda!

"Steven baba lang ako sa canteen. Sama ka?" Aya ko.

"Ano gagawin mo ro'n ng ganitong kaaga?" Tanong niya.

"Nandoon si Kyle ngayon, kakain kami." Saad ko.

"Hindi na next time nalang." Saad niya. "Enjoy kayo."

"Okay, sure ka ah?" Paninigurado ko. Tumango-tango lang ako. "Baba na me, Bye!"

POV of Steven

"Eyes can't lie, Steven Troy." Biglaang sabi ni Sofia.

SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARAWhere stories live. Discover now