That day, tulog lang ako magdamag. The pain drained me so well.
Alas kwatro na ng madaling araw nang magising ako. Sakto lang dahil ganoon naman ang gising ko lagi. Nagsimula na 'kong magluto ng almusal at maligo.
Bandang alas singko ay dumating na si Steven. "Okay ka lang ba?" Tanong nito.
"Oo" Sagot ko. "Bakit?"
"Hindi ka raw nagsi-seen sa GC sabi nila Samantha at Aliah." Aniya. "Kahit sa GC nating apat nila Yna."
"Ah, tulog lang kasi ako magdamag." Dahilan ko. "Okay lang ako, 'wag na kayong mag-alala pa!"
"Okay? Ano 'yang sugat mo sa bibig?" Tanong niya.
Hindi ko pala napansin na nagkaroon ng bakas ang pagsampal sa 'kin ni Papa.
"Ano, Aelia?" Tanong niya. "Sinaktan ka ba ni Tito?"
"Huh...hindi!" I lied.
"Aelia, alam ko ang nangyari sinabi sa 'kin ni Ate Aika!" Galit na sabi niya.
"'Wag ka nang maingay, baka magising si Papa." Ani ko.
"Edi mas mabuti nang makausap ko." Saad niya.
"Hindi na nga, Steven!" Galit kong sabi. "Lalo mo lang pinapalala eh."
"Sorry" Saad niya. "Concern lang ako Aelia." Dugtong niya pa.
"Ayoko lang na nasasaktan ka." Saad niya.
Tumango tango lang ako.
Kumain na muna ko bago kami umalis. Nang makarating kami sa Veroso High ay kaunti pa lamang ang tao. Kahit sila Anna at Yna ay wala pa rin.
"Galit ka ba sa 'kin?" He asked in a soft voice.
"Hindi, stress lang ako." Saad ko. "Sorry din."
Maya-maya ay dumating na rin sila Yna at Anna. "Ano girl walang paramdam?" Bugad ni Yna.
"'Buti buhay ka pa?" Saad ni Anna.
"Muntik nang mamatay." Biro ko.
"Tanga ka!" Sad ni Yna. "May nangyari ba?"
"Wala" Maiksing sagot ko.
"Wala, pero may pasa?" Saad ni Anna.
"Sinampal ako ni Papa." Saad ko.
"Siraulo ba 'yan ha?" Galit na saad ni Anna.
"Hayaan niyo na." Saad ko.
"Hay! Kailan ba matatapos 'yan." Saad ni Yna.
"Ewan ko rin." Saad ko.
"Tambay muna tayo sa oval?" Aya ni Steven.
"Tara!" Pagsang-ayon ko.
Naglakad na kami papuntang oval, sa likod iyon ng building namin. Naglakad lang kami paikot sa oval, malamig pa ang simoy ng hangin dahil maaga pa.
"Saan kayo papasok sa Senior High School?" Tanong ni Anna.
"Hindi ko pa nga alam eh." Saad ni ko.
"Same, kakaunti pa lang kasi yung mga paaralan na nag-ooffer ng senior high." Saad ko.
"Nako, 'wag niyo munang isipin 'yan." Saad ni Steven. "Oo, malapit na, pero chill muna tayo."
"Tama!" Saad ni Anna.
"Oh maiba tayo ng topic, kamusta mga landi niyo?" Tanong ko.
"Hmm...okay lang." Saad ni Yna. "Wala pang balak umamin." She chuckled.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...