Sa mga araw na dumaan ay lagi akong iniintay si Kyle sa may labas ng room namin at sabay nagb-breaktime. Friendly date muna! 'Di pa 'ko umaamin na crush ko siya.
Kyle: Hey, meet nalang tayo sa baba later:)
Nagulat ako nang may lumabas na notif sa phone ko.
"Ano ba Aelia, umayos ka! Bawal ka mamula." Bulong ko sa sarili.
Me: Okay, baba ako later.
"Namumula nanaman siya." Pang-aasar ni Anna.
"Mind your own business nga!" Saad ko.
"Hoy, si Steven ang tahimik. Anong nangyari sayo p're?" Saad ni Khairo.
"Oo naman, P're, kailan ako hindi naging okay?" Saad niya at ngumiti. "Nagsusulat lang ako ng istoryang ginagawa ko."
"Okay, sabi mo e'" Saad ni Khairo.
Tumunog na ang bell, sakto ay tapos na rin magturo ang guro namin. Break time na kaya nagpaalam ako sa kanila na bababa muna 'ko dahil nag-iintay ngayon doon si Kyle.
"Mga 'te, bababa muna ako." Paalam ko.
"Sige na, lumandi ka na ro'n." Saad ni Anna.
"Hindi ba kayo magb-break time?" Tanong ko.
"Maya-maya na kami bababa, sunod kami." Saad ni Shaira.
"Okay, sunod kayo ha. Sa open area nalang kami tatambay." Saad ko.
Bumaba na 'ko at nagtungo na sa canteen. Natanaw ko agad si Kyle na nag-iintay sa tapat ng canteen at nakasandal pa sa pader.
"Kyle" Tinapik ko ang balikat niya.
"Uy, nandiyan ka na pala." Saad ni Kyle.
"Tara, bili na tayo ng food." Saad ko.
Pumasok na kami sa loob ng canteen at pumila na. Nang makabili na kami ng pagkain ay nagtungo na kami sa open area at naupo na sa bakanteng wooden bench.
"Nasaan yung mga friends mo?" Tanong ni Kyle.
"Susunod daw sila." Saad ko.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang mga kaibigan ko. Mga siraulo 'yon, 'di na ata bababa.
"Aelia" Tawag sa'kin ni Kyle.
Tinuon ko sa kankya ang atensiyon ko. "Why?"
"Gusto kita." Diretsong saad niya.
Nag-init nag mukha ko at hindi ko alam ang gagawin ko. First time kong maka-encounter ng ganitong ganap! Bakit naman kasi nambibigla? Kung umamin na rin kaya ako? Wala namang mawawala.
"Grabe 'to nambibigla ka naman!" Saad ko at tumawa.
Idadaan ko nalang sa tawa para kahit papaano ay mabawasan naman ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ang akward kaya!
"Hey, seryoso ko." Saad niya.
"I know." Saad ko. "Actually, gusto rin kita."
Kita sa mukha niya ang saya. "Seryoso ba, Aelia?" Paninigurado niya pa.
"Yes" Maiksing saad ko.
"Ah alam ko msayadong mabilis 'to, I have a last question." Saad niya.
Ano ba naman 'to, nakakakaba. Ano tatanungin niya na ba 'ko kung pwede niya kong ligawan?
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"P'wede ba kitang ligawan?" Tanong niya.
'Hindi ko pa alam, ang unang pumasok sa isip ko. Kailangan ko pa ang permiso ni Papa.
YOU ARE READING
SA LIKOD NG MASAYAHING MASKARA
General FictionNaranasan niyo na rin ba na dumating na sa puntong gusto niyo nang sumuko? Sa panahon ngayon, marami ng kabataan ang naghihirap dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Isa si Aelia Valerie S. Velasquez sa mga kabataang iyon, labing-limang tao...