"Oh para kanino iyang mga bulaklak na iyan? Mukhang may nililigawan ka na hindi namin alam ah?" ang bati sa kaniya ni Rauke nang hapon na iyun.
"Loko graduation ng kapatid ko!" ang kaniyang pasigaw na sagot habang naglalakad siya papalapit sa kaniyang kulay itim na pick-up.
Binuksan niya ang passenger door para maingat na ilatag ang mga bungkos ng bulaklak na binili niya sa isang kilalang flower shop sa loob ng bagong tayong hotel sa Pedrosa.
"Si Cairo?! Graduate na? nang ano? High-school?" ang kunot noo na tanong ni Rauke sa kaniya nang humakbang ito palapit sa kaniyang sasakyan at tumayo ito sa kaniyang tabi.
"Grabeh ka naman, plaibhasa utak mo lang hindi nagmamature, college graduate na kapatid ko!" ang kaniyang sagot na may pagkunot ng noo sa kaniyang kaibigan na hindi man lamang nasaktan sa kaniyang sinabi at malakas pa itong natawa.
Isinandal nito ang likod sa gilid ng kaniyang pick-up habang nakakrus ang mga bisig nito sa sariling dibdib at pati ang mga binti nito nag-krus sa isa't isa.
"Dalaga na pala si Cairo?" ang hindi makapaniwala na tanong ni Rauke habang kunot ang noo nito at nakatingin ito sa hotel na nasa kanilang harapan kung saan siya nanggaling para bumili ng bulaklak para sa mas nakababatang kapatid.
"Mukha bang dalaga yun? Eh parang lalaki rin kumilos iyun eh," ang kaniyang sagot habang inaayos niya ang bulaklak sa upuan at saka niya isinara ang passenger door.
"Sa dami nang nangyari sa atin nakalimutan na namin ang mga nangyari sa iba pa nating kakilala, sa kapatid mo, kasa-kasama rin naman natin siya dati hindi ba?" ang tanong nito sa kaniya.
"Oo, pero nung tinutubuan na ng sungay, pinaiwas na nina nanay at tatay dahil baka raw kami na ang suwagin, iyun sa karatig probinsiya siya pinag-aral sa mga tiyahin ko sa may Agusta, doon siya nag-aral sa kilalang unibersidad doon at...suma cum laude," ang kaniyang pagmamayabang sa kaniyang nakababatang kapatid na kasalukuyan nang ginaganap ang graduation nang araw na iyun at ang kaniyang mga magulang ang dumalo para sa program habang siya ay naiwan sa Villacenco para asikasuhin ang salu-salo sa kanilang bahay para sa selebrasyon at pagbabalik ng kaniyang kapatid na halos apat na taon din nilang hindi nakasama. Maliban na lamang sa mangilan-ngilan na pagkakataon na nagbabasyun ito sa rancho sa tuwing sem-break nito.
"May selebrasyon pala kayo," ang sabi ni Rauke.
"Uy! ano ba punta kayo," ang kaniyang pagyaya sa kaibigan habang nakatayo rin siya sa gilid ng kaniyang pick-up.
"Sus! Kung hindi pa kita aksidenteng nakita dito wala ka naman na balak na imbitahin kami," ang kunwaring pagtatampo ni Rauke sa kaniya. At umismid pa ang mukha nito na tila nasaktan sa kaniyang nagawa.
"Luh," ang kaniyang sambit na may pag-atras ng kaniyang ulo at saka siya mahinang natawa.
"Hindi bagay ha? Ganiyan ka rin ba kapag nag-iinarte ka kay Emeraude at di ka naka-iy*t," ang pang-aalaska niya sa kaibigan na may kasamang mahinang tawa.
"Naku ako pa? natatanggihan? Ha! Walang palya 'toh!" ang mayabang na sagot nito sa kaniya at nagpalitan sila ng mga tawa.
"Anong oras ba kami pupunta? Naku excited na kaming makita si Cairo, sabihan ko sina Alaric, Lucas at Carlos," ang tugon ni Rauke, "nga pala, puwede bang magbitbit?" ang tanong nito sa kaniya.
"Sus, hindi mo naman na kailangan na ipagpaalam ang mga asawa ninyo, 'matik na yun," ang kaniyang sagot.
"Hindi yun!" ang pagtanggi ni Rauke, "si Ishmael yung pinsan ni Lucas,"
"Yung In-fan-tey ek-ek, next in line sa trono dahil tinanggihan na ni Lucas ang pagiging hari?" ang tanong niyang sagot.
"Bakla talaga toh, infante," ang pagtatama sa kaniya ni Rauke.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...