Chapter 22

823 65 21
                                    

Kumunot ang noo ni Harlow at napaatras ang kaniyang ulo sabay iling habang nakabuka ang kaniyang mga labi.

Usapan na hapunan? May usapan na ba silang maghahapunan siya sa bahay ng mga ito? Ang alam lang niya ay inaloks iya nito noong dis-oras ng gabi pero hindi nito sinabi sa kaniya kung kailan.

At saka wala si Cairo ang alam niya ay nasa Agusta ito sa bahay ng mga kamag-anak. Paano siya mahahapunan sa bahay nina Cairo kung wala ang kaibigan?

Mula nang nalaman niyang niloko ng kaniyang ate si Canaan ay hindi na sila nagpunta pa sa bahay ng mga ito nang dahil sa labis na hiya. Nagtungo lamang siya nitong nakaraan nang sunduin nila si Cairo pero hindi na siya bumaba pa noon ng sasakyan ni ni Joseph dahil nga sa nahihiya siyang humarap sa mga magulang ni Canaan.

"Ha? Ngayon o mamaya na ba iyun?" ang naguguluhan niyang tanong kay Canaan na bumalik pa para lang sabihin nito sa kaniya na mayroong hapunan sa bahay ng mga ito at siya ang bisita.

"Oo, hindi ba nasabi ko na sa iyo? Nung isang gabi?" ang paalala nito sa kaniya.

Oo nga pero walang eksaktong araw at oras, ang sagot ng kaniyang isipan.

"Hindi ko alam na ngayong araw na pala iyun," ang kaniyang naguguluhan na sagot at napasulyap siya kay Joseph na nakatayo sa kaniyang tabi habang nakikinig at nakatingin ito sa kanila.

"Dahil siguro sa marami kang ginagawa," ang sagot nito sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo. Paano niya ito tatanggihan? Nahihiya siyang magpunta lalo na kung wala ang kaibigan niyang si Cairo.

"Pero...wala si Cairo hindi ba? Nasa Agusta siya?" ang kaniyang kinakabahan na sagot.

Nagkibit ng mga balikat nito si Canaan na para bang balewala lamang ang kaniyang sinabi.

"Ano ngayon? Hindi naman si Cairo ang nag-alok sa iyo hindi ba?" ang tanong nito sa kaniya.

"Inaasahan ka na ni nanay, maghahanda na nga siya ng espesiyalti niya saka ilalabas pa niya ang mga nakatago niyang plato at kubyertos na pang-bisita lang," ang mariin nitong sagot. At nang marinig niya iyun ay mas lalo pa siyang kinabahan. At nakaramdam na rin siya ng hiya.

Kung nag-aabala na ang nanay ni Canaan, wala na siyang magagawa pa para tanggihan ang paanyaya nito. kahit pa wala talaga siyang matandaan na sa gabing iyun ang usapan nila.

Malaki na ang naitulong nito sa kanila ng kaniyang tatay at maging sa kaniyang ate. Wala siyang dapat na ipagmalaki para tumanggi. Napakabuti ng mga ito.

Tumango ang kaniyang ulo kahit pa ang gusto na lang niyang mangyari ay lamunin siya ng lupa nang dahil sa kaba na kaniyang nadarama.

"Sige, pasensiya ka na kung...nakalimutan ko," ang kaniyang sagot at paghingi ng paumanhin kay Canaan.

Tumango ito at ngumiti ng malapad. At napansin niyang sumulyap ang mga mata nito kay Joseph na ng kaniyang tingnan ay napansin niyang nakatikom ang mga labi.

"Sige...uh...sunsunduin kita mamaya ha? Ipagpapalam na rin kita kay tatay," ang sagot nito at napansin niya ang mariin na pagbanggit nito nang huling salita.

"Uh sige," ang kaniyang matipid na sagot at sinundan ng kaniyang mga mata si Canaan na naglakad papalapit sa kanilang bahay at ilang sandali pa ay nawala na ito sa kanilang paningin nang lamunin na ito ng pintuan.

Isang mahinang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at napakamot ang kaniyang kanan na kamay sa kilay nito.

"Bakit parang binabakuran ka ni Canaan?" ang kunot noong tanong sa kaniya ni Joseph nang makuha na nitong magsalita.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon