Chapter 28

877 71 33
                                    

Inilapag ni Canaan ang bote ng beer sa ibabaw ng mesa sa kaniyang harapan at saka niya muling dinampot ang isa pang bote ng beer para buksan iyun at sa isang lagukan ay nakalahati niya agad ang laman ng isang bote.

Hindi na niya mabilang pa kung nakakailang bote na siya ng beer. At hindi naman na mahalaga pa iyun para sa kaniya dahil sa hindi rin naman siya nagbibilang.

Ang balak niya sa gabing iyun ay ang magpalipas ng ilang oras sa bar ni Mang Simon bago niya tutunguhin ang bahay nina Harlow. At sa dilim ay mauupo siyang muli sa kaniyang motorsiklo at ang kaniyang kasama ay ang anim na lata ng beer.

Muli niyang tinungga ang kalahating laman at saka niya inubos iyun na muli. At nang wala na siyang maitaktak pa sa kaniyang bibig ay muli niyang inilapag ang bote sa ibabaw ng mesa habang nakaupo siyang nag-iisa.

"Ginagawa mong tubig ang alak ah?" ang narinig niyang tanong sa kaniya. Binuksan niya ang isa pang bote at saka dahan-dahan na nabaling ang kaniyang mga mata sa babaeng pinagmulan ng boses. At sa kaniyang harapan ay ang babaeng nagtatrabaho sa hotel na sinabi sa kaniya noon ni Carlos na lumpuhin niya sa kama.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pag-inom.Ni hindi na nga niya ito tiningnan pa. Pero mukhang wala itong balak na iwan siya sa gabing iyun.

Kinuha nito ang upuan sa kaniyang tabi at saka napunta ang kamay nito sa kaniyang hita para pisilin iyun.

"Ang tagal kaya kitang hinihintay dito, biruin mo sa Pedrosa pa ako nanggagaling para lang hintayin at magbakasakali na makita ka, and I think I'm lucky this time," ang saad nito at tumaas ang kamay nito sa kaniyang hita malapit na sa kaniyang singit.

Hindi siya sumagot at iinom sana siya muli ng alak nang may kumuha ng atensiyon niya na pumasok mula sa pintuan ng bar. At natigilan siya nang maglakad papasok sina Joseph at Harlow.


Hinayaan ni Harlow na igiya siya ni Joseph papasok sa isang bar na nasa Villacenco lamang. Pagkatapos nilang kumain sa isang restaurant pagkatapos nilang manood ng pelikula sa sinehan sa Pedrosa. Ngunit nang habang nasa biyahe ay bumuhos ang malakas na ulan ay nagpasya muna silang bumaba nang madaanan nga nila ang isang bar.

Hinila ni Joseph ang silya para makaupo siya at isang mahinang thank you ang iginawad niya rito. Nang makaupo na sa silya sa kaniyang tabi si Joseph ay agad nitong sinenyasan ang isang waiter na agad naman na lumapit sa kanila at nag-abot ng isang maliit na laminated menu para mamili ng kanilang oorderin.

"Anong gusto mo?" tanong ni Joseph.

"Ikaw na ang bahala, basta huwag masyadong madaming alak ha? Magpapalipas lang tayo ng malakas na ulan," ang kaniyan paalala kay Joseph na alam niyang kinakailangan pang mag-drive nito pauwi.

Ngumiti at tumango si Joseph sa kaniya at ito na ang nagbasa ng listahan ng menu. Nang maramdaman na naman niya ang pakiramdam na tila ba may nakatitig sa kaniya.

At parang magnet na tinawag ang kaniyang mga mata ay agad na natunton niya sa isang mesa hindi kalayuan sa kanila si Canaan. Nakatitig ito sa kaniya habang hawak nito ang isang bote ng beer. At sa tabi nito ay ang babae na lumapit sa kanila noon sa isang fast food restaurant sa Pedrosa.

Nagtama ang kanilang mga mata at nabasa niya ang mabigat na emosyon sa mga mata ni Canaan kahit pa medyo may kalayuan ito sa kaniya. At mababakas ang mga nakatiim na panga nito na tila ba nagtitimpi ito at pinipigilan nito ang sarili na may gawin nang sandali na iyun.

Umiwas ang kaniyang mga mata at ibinaling na lamang niya iyun sa lamesang nasa kaniyang harapan.

"Salamat ulit Harlow at pinagbigyan mo akong muli na makasama ka ngayon, alam mo ba na sobrang saya ko kapag...kasama kita nang ganito, yung tayo lang," ang narinig niyang sambit ni Joseph.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon