"You keep on fidgeting," ang narinig niyang sabi ni Ishmael.
Mabilis niyang tiningnan ito at nakita niyang hindi ito nakatingin sa kaniya. Ang mga mata nito ay kanina pa abala sa mga papels na hawak nito at binabasa mula pa kanina pagkalipad nila mula sa Pinas.
"Ano iyun?" ang kaniyang tanong dito nang hindi niya masyadong naintidihan ang sinabi nito.
Nagtaas ang mga kilay nito sa kaniya at itinuon nito ang mga kulay asul na mga mata nito sa kaniyang direksiyon sa likod ng suot nitong reading glasses.
Napansin din niya mas asul na asul pa ang mga mata nito kaysa kay Lucas. Parang kulay ng malalim na karagatan.
"You're fidgeting," ang sabi nitong muli at saka dumiretso ang mukha nito para tingnan siya at salubungin ng mga mata nito ang kaniyang mga mata.
"Hindi ka mapakali sa upuan mo, nahihilo ka ba?"
"Hindi."
"Naiihi."
"Ugh, hindi," ang kunot noo niyang sagot. At doon na siya tinaasan ng kilay ni Ishmael.
"Kinakabahan ka ba?" ang tanong nito sa kaniya.
"Uhm oo," ang kaniyang pag-amin at sumulyap siya sa bintanang nasa kaniyang tabi sa kaliwa niyang balikat.
"Is this your first flight experience?" ang tanong nito sa kaniya at muling itinuon nito ang mga mata sa paple na hawak para muling magbasa.
"Oo, pero hindi iyun ang dahilan kung bakit ako kinakabahan," ang kaniyang pag-amin. At muling umangat ang tingin ni Ishmael sa kaniya.
"I know," ang sagot nito, "I just wanted to start a conversation."
Napabuntong-hininga siya at saka siya tumango. Mabuti nga na makipagkuwentuhan siya kay Ishmael para mabawasan ang kaniyang kaba.
"Salamat pala ulit Ishmael," ang kaniyang sambit at tumangu-tango ang ulo nito habang nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa hawak na papel.
"This is not for free," ang tugon nito sa kaniya.
"Alam ko, yung deal," ang tugon niya saka siya nagbuntong-hininga.
"Uhm, tungkol nga pala sa trabaho, bakit...si Cairo ang napili mo?" ang kaniyang tanong. Hindi niya minamasama ang pagpili nito sa kaniyang kapatid alam niya na magaling ang kaniyang kapatid sa trabaho nito.
"Why? Did I make a wrong choice for trusting your sister?" ang tanong ni Ishmael sa kaniya ngunit ang mga mata nito ay nasa hawak pa rin nitong papel. Inilipat nito ang pahina at sandaling tumingin ito sa kaniya habang nakataas ang isa nitong kilay sa kaniya. Mukha itong napakaseryoso malaking pagkakaiba sa ugali ng pinsan nitong si Lucas.
Pero alam nila na nag-iiba ang ugali nito sa tuwing nalalasing, ang sabi ng kaniyang isipan.
Umiling ang kaniyang ulo, "magaling ang kapatid ko, at hindi ka nagkamali na piliin siya," ang mariin niyang sagot. At doon huminto ang mga mata nito sa pagbabasa. At dahan-dahang umangat ang mga mata nito para salubungin ang kaniyang tingin.
"Tinanong lang kita kasi, bakit sa Pilipinas ka pa naghanap?" ang usisa niya.
"Gusto ko yung kakilala ko na or reffered to me ng isang kakilala lalo na ng isang kamag-anak," ang paliwanag nito.
"Ang besides, wala kaming agricultural engineer sa maliit naming kaharian, engineers man puro mechanical or construction engineers ang mayron kami sa Monte de Oro, and miners."
Tumangu-tango ang kaniyang ulo. At bago pa muling ibalik ni Ishmael ang atensiyon nito sa binabasang papel ay muli siyang nagtanong.
"Nga pala, bakit...sinabi mo kay Cairo na isa kang government employee" ang taka niyang pagtatanong.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomansaCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...