Chapter 44

763 75 52
                                    


Hindi na niya kaya pang itago ang katotohanan. At ang lihim na siya ang may gawa ay ang kaniyang mga kaibigan ang umako ng isang bagay na siya ang gumawa.

At nang aminin niya ang tungkol sa bagay na iyun, kahit pa walang nalalaman ang mga kasama nila sa loob ng kanilang bahay ay nakatuon ang mga mata sa kaniya at tila ba hinihintay ng mga ito ang kung anuman ang kaniyang sasabihin o aaminin.

At nang lumingon si Canaan sa kaniya ay nakita niya ang gulat sa mga mata nito. At saka umiling ang ulo nito na tila ba hindi nito tinatanggap ang kaniyang inamin. At sa sandaling iyun ang mga mata lamang ni Canaan ang ramdam niyang tumatagos sa kaniyang kalooban.

"Harlow?" ang patanong na sambit ni Canaan sa kaniyang pangalan. At sinalubong niya ang mga mata nito at saka tumango ang kaniyang ulo habang nagsimula nang manikp ang kaniyang lalamunan sa labis na emosyon na namayani sa kaniyang dibdib.

Hindi niya inaasahan na darating ang pagkakataon na iyun. Na kailangan niyang aminin ang kapusukan na kaniyang ginawa para sa pag-ibig niyang nararamdaman kay Canaan.

Tumango ang kaniyang ulo at kinagat niya ang kaniyang mga labing nagsimula nang manginig habang ang mga mata niya ay unti-unting nanlanbo nang dahil sa luhang namuo sa kaniyang mga mata.

"Hindi...hindi iyan totoo Harlow," ang giit ni Canaan sa kaniya at pumihit ang katawan nito para harapin siya. Humakbang pa ito palapit at naramdaman niya ang mga kamay ni Canaan na mahigpit na humawak sa magkabila niyang mga braso.

At hinuli nito ang kaniyang mga paningin para hanapin ang katotohanan sa kaniyang mga mata. Ngunit nakurtinahan man ng luha ang kaniyang mga mata ay naroon pa rin ang katotohanan nang kaniyang sinabi.

"Hindi iyan totoo Harlow," ang muling giit nito sa kaniya habang umiiling ang ulo nito at dumidiin ang mga daliri nito sa kaniyang mga braso.

"Iyun ang totoo, ako... ang may...gawa ng sulat," ang kaniyang sagot sa pagitan ng mga luha.

"Totoo Canaan, inamin na niya sa iyo, maniwala ka na, huh, sinabi ko naman na wala akong kasalanan dito," ang sabat ni Hera.

Ngunit hindi man lamang tinapunan ni Canaan ito ng pansin at nanatiling nakapako ang mga mata nito sa kaniya at nabasa niya ang sakit at pagtanggi sa mga mata nito.

"Sabihin mo na hindi ikaw nag may gawa Harlow, na pinagtatakpan mo lang ang may gawa ng sulat," ang giit ni Canaan sa kaniya at nabasa na niya ang luhang unti-unti na ring pinupuno ang mga mata nito.

"Sabihin mo Harlow, sabihin mo na inosente ka at walang kinalaman sa sulat at walang pagdadalawang-isip na paniniwalaan kita," ang mariin na sambit ni Canaan sa kaniya.

"Ni hindi ko aalamin kung sinuman ang sumulat niyun, basata sabihin mong hindi ikaw!" ang pakiusap nito at pasigaw nitong binigkas ang huling salita. na tila ba nagmamaakaawa ito sa kaniya na pasinungalingan ang kaniyang sinabi.

Ngunit mukhang ang tadhana na ang gumawa ng paraan para malaman ni Canaan ang lihim na kaniyang nagawa sa nakaraan.

Umiling ang kaniyang ulo, "Canaan, ako ang gumawa ng sulat...sulat kamay ko ang nakatala sa sulat na iyun." Ang kaniyang tugon.

At doon na niya nakitang tuluyang pumatak ang mga luha sa mata ni Canaan at mabilis nitong binitiwan ang kaniyang mga braso na namula nang dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"Canaan," ang narinig niyang sambit ng nanay nito.

Umiling ang ulo ni Canaan habang nakapako ang mga mata nito sa kaniya at saka nito hinilamusan ang sariling mukha gamit ang mga palad nito at pataas nitong hinagod ang mukha at sinuklay nito ang magulong nitong buhok saka nito sinabunutan ang sarili.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon