Chapter 16

826 54 17
                                    

Tiningnan ni Canaan ang oras mula sa suot niyang relo nasa tamang oras pa rin naman siya sa kaniyang nakagawian na oras nang pagtungo niya sa rancho ng mga Lauretta.

Maaga siya kung tutuusin. Mas maaga pa sa nakagawian niya ngunit hindi siya agad dumiretso sa rancho at inihinto lamang niya ang kaniyang truck sa may kanto papasok ng rancho nina Harlow.

Sinadya niya munang maghintay at magpalipas ng ilang minuto. At nanatili siyang nakaupo sa driver seat habang mahigpit na nakakapit ang kaniyang mga kamay sa manibela.

Dumiretso man siya ng uwi sa kanilang bahay kagabi pagkatapos niyang ihatid si Harlow at Cairo ay napuyat pa rin siya. Hindi siya pinatulog ng kaba na kaniyang naramdaman ng kaniyang dibdib.

Napahawak ang kaniyang kanan na kamay sa kaniyang dibdib habang ang kaliwanag kamay niya ay nanatiling mahigpit na nakakapit sa manibela. Tila ba takot siyang bumitaw sa kaniyang pagkakakapit at mahulog siya ng tuluyan.

Dinama niyang muli ang kaba sa kaniyang dibdib na nanirahan na roon mula pa kagabi. Hindi iyun katulad ng pagtibok ng kaniyang dibdib noon para kay Hera. Mas mabilis ang pintig ng kaniyang puso mula pa kagabi tila ba may halong pananabik at takot ang kabang bumalot na sa kaniyang dibdib. Mula nang hawakan ni Harlow ang kaniyang labi.

At hanggang sa mga sandaling iyun ay kaniya iyung nadarama lalo pa at hindi na nawala sa kaniyang isipan at sa kaniyang pakiramdam kung paanong hinaplos ni Harlow ang kaniyang labi. Tila ba nakatatoo na iyun sa kaniyang mga labi.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.

"Wala ito," ang bulong niya sa kaniyang sarili.

Baka dahil lang sa mga pambubuska sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan at sinamahan ng alak kaya niya ito naramdaman, lilipas din ito, kailangan na tratuhin nyiang normal ang araw na iyun, hindi siya dapat maapektuhan ng kabang mawawala din sa kaniyang dibdib pagkalipas ng ilang sandali.

Binawi niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib at saka niya binuhay ang makina ng kaniyang truck para paandarin na ito papasok sa loob ng rancho. At tulad ng kaniyang inaasahan ay nabukas na ang pinto ng kamalig. Bumaba siya ng kaniyang sasakyan at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng kamalig kung saan naabutan nga niyang abala na si tatay Morley.

"Magandang umaga po," ang kaniyang bati kay tatay Morley na nakadukwang sa may drum kung saan nakalagay ang pagkain ng baka.

"Oy, Canaan," ang sambit nito habang nanatiling nakadukwang ito sa drum at sa lalim nang pagkakapasok nito sa loob ng drum. Mukhang kaunti na lang ang pagkain ng baka na laman niyun.

"Baka po lumusot na kayo sa loob," ang pabiro niyang sabi rito at naglakad siya palapit kay tatay Morley.

At narinig niya ang tawa nito mula sa loob ng drum bago ito tumayo nang maayos habang hawak nito ang tabo na may lamang feeds.

"Medyo malalim na eh," ang sabi nito sa kaniya. At saka ito natilgilan sandali at napansin niyang napahawak ang palad nito sa gitna ng sarili nitong dibdib.

"Tatay Morley?" ang kaniyang tanong na may pag-aalala. At saka siya humakbang papalapit pa rito.

Kumurap-kurap ang talukap ng mga mata nito habang nakataas ang dalawa nitong mga kilay. Ilang beses itong huminga nang malalim bago ito umiling at tumingin sa kaniya.

"Medyo kinapos lang ng...hininga," ang sabi nito sa kaniya na sinamahan nito ng mahinang tawa.

"Ako na po ang gagawa niyan," ang kaniyang sabi rito sabay hakbang niya papalapit pero mabilis na umiling ang ulo nito.

"Kaya ko na ito," ang sabi ni tatay Morley sa kaniya.

"Alam niyo naman po na ang dahilan nang palagian kong pagpunta rito ay dahil sa gusto ko kayong tulungan," ang giit niya. Pero bakit may mukha ni Harlow na pumasok sa kaniyang isipan. At muli niyang naramdaman sa kaniyang mga labi ang mga daliri nito. At muli na namang nakadama ng kaba ang kaniyang dibdib.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon