Nakita niyang natigilan ang kaniyang tatay habang nakatayo ito sa tabi ng mesa kung saan nakalapag ang ilang piraso ng boteng kulay puti. Ang isa pa nga sa mga ito ay naiwan pang bukas at walang takip. Marahil ay kaiinom pa lang ng kaniyang tatay ng gamot na laman niyun.
Nakita niyang napalunok ang kaniyang ama at umiwas ang mga mata nito sa kaniya na kanina lamang ay nakapako sa kaniyang mga mata. Marahil ay napahiya ito nang mahuli niya itong may itinatago na sakit.
Humakbang na siya papalapit dito at saka siya tumayo sa harapan ng kaniyang tatay at sa tabi ng mesa at pareho nilang tiningnan ang gamot na nasa lamesa.
"Tay?" ang patanong na pagtawag niya rito. At isang buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan ng kaniyang ama kasabay ng pagpisil ng mga daliri nito sa mga mata. At saka ito tumangu-tango nang mabagal.
"Ugh," ang kaniyang sambit. At bumagsak ang kaniyang mga balikat. Alam na niya ang kasagutan ngunit hindi niya napigilan ang tanungin pa rin ang kaniyang tatay.
"Bakit ninyo inilihim sa akin? Alam ba ni ate ang tungkol dito?" ang kaniyang mga tanong habang nakakunot ang kaniyang noo sa kaniyang ama hindi dahil sa naiinis siya rito kundi sa tampo na kaniyang nadarama nang dahil sa paglilihim ng kaniyang ama.
"Ayokong mag-alala kayo sa akin."
"Ugh, ibig sabihin ay hindi rin alam ni ate?" ang kaniyang tanong at dahan-dahan na umiling ang ulo nito nang dahil sa panlulumo.
Sandaling pumikit nang mahigpit ang talukap ng kaniyang mga mata at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago niya muling idinilat ang kaniyang mga mata at tiningnan niya ang kaniyang tatay sa kaniyang harapan na may kalungkutan sa mukha nito.
Kaya naman pala biglang tumanda ang kaniyang tatay at nabawasan ang timbang nito. Nang dahil sa sakit nito.
"Tay, huwag niyo na po sanang gagawin iyan ulit, paano kung nag-iisa kayo rito at," napabuntong-hininga siya, hindi niya mabigkas ang salitang iyun dahil iyun ang kaniyang kinatatakutan.
"Huwag na po kayong maglilihim sa akin? Sa amin ni ate, maaari po ba?" ang kaniyang pakiusap at isang tikom na ngiti na may pagtango ang isinagot sa kaniya ng kaniyang tatay.
Dinampot niya ang nabaukas na bote pati ang takip nito at saka niya tinakpan ang bote ng gamot at saka niya isa-isang dinampot ang mga bote at inilagay niya iyun sa ibabaw ng ref kung saan madali iyun na makita.
At habang nakatalikod siya sa kaniyang tatay habang inaayos ang mga bote ay napuno ng kaba ang kaniyang dibdib. Ayaw man niyang malaman ngunit kailangan niyang harapin ang katotohanan nang sandali na iyun na mayroong sakit ang kaniyang tatay. Ngunit kailangan niyang malaman.
"A...ano pong sakit niyo?" ang kaniyang tanong habang nakaharap pa rin siya sa kanilang lumang refrigerator.
"Sa puso," ang matipid nitong sagot sa kaniya. At napapikit ang talukap ng kaniyang mga mata.
"Gaano...gaano na po katagal ang sakit po ninyo?" ang dugtong pa niyang tanong.
"Dalawa."
Tumangu-tango ang kaniyang ulo at saka dahan-dahan na pumihit ang kaniyang katawan para humarap sa kaniyang tatay at isang matipid na ngiti ang ibinati niya sa kaniyang tatay.
"Kailan po ang huling check-up ninyo?"
"Nito lang nakaraan na linggo," ang sagot nito sa kaniya. at saka tumango ang kaniyang ulo.
"Sabihin niyo po sa akin kapag, naubos na po ang gamot ninyo," ang bilin niya sa kaniyang ama at isang pagtango na muli ang isinagot nito sa kaniya.
"Ako na po ang magliligpit dito, matulog na po kayo, bawal na ang magpuyat," ang bilin niya sa kaniyang ama na mahinang natawa sa kaniyang sinabi dahil sa tila ba siya ang mas matanda rito.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
RomanceCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...