Chapter 15

843 59 59
                                    

"Para kang leon na handa nang manlapa ah?" ang tanong ni Rauke sa kaniya. At naalis ang kaniyang mga mata mula sa pagkakatitig kina Harlow na kasama ang kaniyang kapatid habang kausap ng mga ito si Ishmael.

Muling kumunot ang noo ni Canaan at muli siyang napasulyap sa direksiyon nina Harlow at Cairo. Masayang nakikipag-usap si Ishmael sa mga ito. Lalo na kay Harlow.

Interisado ba ito kay Harlow? Napakabata pa nito para sa susunod na haring iyun, ang sabi ng kaniyang isipan.

"Lapitan mo na kaya?" ang sabat naman ni Lucas sa kaniya habang nakaharap ito sa malaking ihawan kung saan nakasalang ang mga karne ng baka.

"Ano bang sinasabi ninyo?" ang patay-malisya niyang tanong saka niya tinungga na muli ang huling laman ng hawak niyang lata ng beer.

Isang malakas na pagsingasing ang pinakawalan ni Carlos, "langya, kailan ka pa naging wala sa sarili mo, patay malisya ang mokong."

"O sige na kunwari hindi mo alam, yung kaibigan ni Cairo,"-

"Si Harlow yung ka-date mo kahapon sa Pedrosa." Ang sabat ni Alaric at alam niyang alam na ng mga ito ang tungkol doon. Hindi porke lalaki sila ay hindi sila mga tsismoso pagdating sa mga nangyayari sa kanilang mga buhay lalo pa at kung nasaksihan iyun ng kanilang mga mata. Lalo pa at isa sa mga asawa nito ang nakakita sa kanila ni Harlow parang apoy na kakalat ang kuwento sa buong barkada.

"Uy ka-date na pala!" ang gulat sa sabi ni Carlos na kunwari ay hindi alam ang tungkol sa naabutan nina Cheyenne at Alaric sa fast food sa Pedrosa.

"Hindi yun date!" ang mabilis niyang pagtanggi. At tanging malakas na tawanan lang ang isinagot nito sa kaniya.

"O siya hindi na date," ang hindi naniniwalang sagot sa kaniya ni Lucas.

"Pero kanina mo pa tinititigan," ang mariin naman na sabat ni Rauke, "kulang na lang sunggaban mo at kainin."

"Eh mas natatakam ka yata kay Harlow kaysa sa iniihaw natin eh?" ang pambubuska sa kaniya ni Carlos. At sinundan ng malakas na tawanan ang sinabi nito. Mukhang siya naman ang pupulutanin ng mga kaibigan sa gabing iyun.

"Jusko kilabutan nga kayo," ang kunot noo niyang sagot sa mga ito, "para ko nang kapatid iyang si Harlow, tulad nga nang naikuwento ko sa inyo hindi ba? Hindi lang siya kaibigan ni Cairo, kapatid din siya ng ex ko."

"O eh ano naman ngayon?" tanong ni Alaric sa kaniya habang nakataas ang isang kilay nito sa kaniya.

"Baka kaya kayo nagkahiwalay ng ex mo kasi, hindi kayo meant to be ng ate...kundi ni bunso." Sabat ni Lucas.

Mabilis na umiling ang kaniyang ulo, "hindi naman lahat ng babae pinapatos ko, hindi ko puwede taluhin ang kaibigan ni Cairo at kapatid ng ex ko, saka...ang bata niya para sa akin."

Sabay na nagsingasing sina Alaric at Carlos at sabay din na umiling ang mga ulo nito.

"Sinabi rin namin iyan dati," ang sagot ni Alaric sa kaniya. At tinaasan naman siya ng kilay ni Carlos. Alam niya ang pakahulugan ng mga ito dahil sa malaki rin ang agwat ng mga edad nito noon sa kanilang mga asawa nang makilala nila ang mga ito.

Tiningnan niya ang hawak niyang lata ng beer at pinunasan ng kaniyang hinlalaki ang hamog na namuo sa labas ng katawan ng lata.

"Saka...imposibleng hindi ko maaalala ang kapatid niya sa tuwing nakikita ko siya," ang kaniyang mahina ngunit dinig pa rin na sabi sa mga kaibigan habang nakatitig siya sa hawak na lata ng beer.

At sa kaniyang sinabi ay nabura ang malakas na tawanan at sandaling nanahimik ang lahat.

"Hindi ka pa rin ba...naka-move on?" ang tanong ni Rauke sa kaniya. At iniangat niya ang kaniyang mga mata para salubungin ang mga mata ng kaniyang kaibigan.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon