Chapter 53

952 77 11
                                    

Binasa ni Harlow ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan patungkol sa pagbebenta ng kaniyang rancho. Ipinadala ni Attorney Alexandria sa kaniya ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan para sa trabsition ng pagbebenta at paglilipat ng pangalan ng lupang ipinundara noon para sa kanila ng kaniyang ama.

Ngunit hanggang sa sandaling iyun ay hindi pa rin niya magawang pirmahan ang papeles. Paulit-ulit niya lamang iyun na binasa hanggang sa halos masaulado na niya ang bawat salita sa bawat linya ng nakatala sa ilang pirasong papel sa kaniyang harapan.

Halos manakit na nga ang kaniyang mga mata sa pagkakatitig niya sa bawat letra ng salita ngunit, hindi pa rin niya magawang isulat ang kaniyang pangalan at itala ang kaniyang pirma sa papel.

Hindi niya kaya. Tila ba mabigat ang kaniyang kamay para damputin ang ballpen at itala ang kaniyang pirma sa papel.

At hindi lamang ang kaniyang kamay ang may bigat nang sandaling iyun kundi na rin ang kaniyang dibdib. Masakit sa kaniya ang pakawalan ang lupang ipinundar ng kaniyang ama. Dugo, pwais, at luha ang ipinuhunan ng kaniyang tatay sa lupang iyun. Kapiraso man kumpara sa naglalakihang mga rancho na nakapaligid sa kanilang lupain ay iyun pa rin ang pinakamahal na lupa sa kumpara sa mga naglalakihang mga rancho sa Villacenco, dahil buhay at pagmamahal ang ipinuhunan sa kapiranggot nilang lupa.

Buhay at pagmamahal na hindi na maibabalik, ang bulong ng kaniyang isipan. At muli niyang naramdaman ang pagguhit ng hapdi sa kaniyang dibdib at ang paninikip ng kaniyang lalamunan.

Ang lupang pinuno niya ng kaniyang pangarap. Na ipinagpatuloy niya ang pangarap ng kaniyang tatay para buhayin itong muli ay hindi na niya nagawa pa.

Ang lupang iyun na lamang ang natatanging nag-uugnay sa kaniya sa lupang kaniyang pinanggalingan, kinalakihan, at kinamulatan ng kaniyang pag-ibig. Ang lupang tanging nag-uugnay sa kaniya at sa kaniyang ama kahit pa ala-ala na lamang nito ang kaniyang tanging tangan sa kaniyang puso at isipan.

Mga ala-ala na hindi lamang nakalimita sa kaniyang ama. Kundi kasama na rin ang mga naiwan nilang ala-ala ni Canaan.

At isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa kaniyang nanginginig na mga labi. Si Canaan. Hindi niya maaaring itanggi na isa rin sa naging mabigat na dahilan kung bakit may bigat din ang kaniyang dibdib at ang kaniyang kamay na pumirma sa mga papeles.

Out of nowhere bigla na lang itong nagparamdam na muli sa kaniya. Oo kahit pa hindi naman ito nawala sa kaniyang puso, at hinding-hindi ito mawawala sa kaniyang isipan. Ang pagkakataon na sinabi sa kaniya ni Attorney Alexandria, tungkol sa hindi sinasadyang pagkikita ng dalawa sa kanilang dating rancho ang isa sa mga tahasang pagpapa-alala sa kaniya ang presensiya ni Canaan ay nakakonekta pa rin sa kaniya.

At kung bakit ba nang malaman niya na gusto ni Canaan na bilhin ang kanilang rancho ay napuno na nang agam-agam ang kaniyang isipan. Hindi na siya pinatulog ng kaniyang isipin mula pa nang malaman niya ang tungkol sa alok ni Canaan na bilhin ang rancho sa kaniya.

Bakit gusto nitong makuha ang rancho? Ang tanong ng isipan niya. Gusto ba nitong mapalaki pa ang ari-arian ng mga McLaury?

Hindi na niya alam pa ang nangyari sa kaniyang kapatid mula nang lisanin niya ang Villacenco. At ipauubaya na lamang niya sana kay Attorney Alexandria ang paghahanap sa kaniyang ate para ibigay ang parte nito sa pagbebentahan ng kanilang lupa. Habang siya ay wala nang kukunin pa ni isang kusing dahil sa alam naman niyang halos kalahati ng kikitain ay mapupunta lamang sa pagbabayad ng kanilang mga pagkakautang.

Sa bawat araw na lumilipas ay pinipilit niyang makalimutan si Canaan ngunit. Sadyang hindi niya kaya. At kagabi nang marinig niyang nakausap ni Attorney Alexandria si Canaan ay tila ba pakiramdam niya na siya na rin ang nakausap nito.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon