Chapter 57

1.2K 85 30
                                    

Hindi talaga inaasahan ni Harlow na matatagpuan siya ni Canaan. At hindi niya alam kung bakit nag-abala pa itong hanapin siya.

Nang dahil lang ba sa lupa? Ang tanong ng kaniyang isipan.

Ngunit hindi iyun ang kaniyang naramdaman mula sa mahigpit nitong yakap at sa halik ng labi nito sa kaniyang ulo. At iba rin ang mga salitang kaniyang narinig sa mga labi nito.

Hindi tungkol sa lupa. Kundi tungkol sa pagpapaliwanag at pagpapatawad.

Kaya naman pinagbigyan ni Harlow ang kahilingan nitong makapag-usap sila nang pribado. At kinuha na nila ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang boss na makapag-off sa araw na iyun na sa tingin niya ay kagagawan ni Ishmael na isa sa mga ikinagulat niyang rebelasyon nang umaga na iyun.

Iyun na nga siguro ang tamang panahon na makapag-usap sila nito. Wala naman na siyang magagawa pa kundi ang kausapin si Canaan. Hindi naman siya ganun kasamang tao para ipagtabuyan pa niya ito lalo pa at sinadya siya nitong hanapin at inabala pa si Ishmael na isang magiging hari.

Ramdam niya ang kaba sa kaniyang dibdib habang naglalakad na sila palabas ng kanilang building. Pagpasok nila sa kaniyang inuupahan na bahay ay alam na niyang masisiwalat na ang matagal niyang itinago rito. At hindi niya alam kung anong gagawin ni Canaan.

Susumbatan ba siya nito? Kukunin ba nito sa kaniya ang kaniyang nag-iisang kayamanan? Ang kinakabahan niyang tanon.

Hinikit niya ang kaniyang suot na jacket para bigyan ng init ang kaniyang katawan. Ngunit mukhang hindi na niya iyun kailangan dahil sad ama niya ang mga mata ni Canaan na nakatuon sa kaniya at hindi na niya kailangan pang tingnan ito para malaman na kaya nitong tunawin ang lamig na kaniyang nadarama.

Tumango siya kay Canaan para sundan siya nito papasok sa isnag lumang gusali kung saan naroon ang kaniyang apartment at nang marating na nila ang kaniyang inuupahang silid. Mas lalong nilukuban ng kaba ang kaniyang dibdib dahil sa sandaling buksan niya ng pinto ay malalaman na ni Canaan ang itinatago niya rito.

Sumulyap pa muna siya kay Canaan na nakatayo sa kaniyang likuran. At muling gumuhit sa mga pisngi nito ang ngiti nitong kayang palambutin ang kaniyang mga binti, katulad nang sandali na iyun.

Mabilis niyang binawi ang kaniyang mga mata at saka niya itinuon sa nakapinid na pinto sa kaniyang harapan. Inilusot niya ang susi sa susian at saka niya marahan na pinihit ang knob at itinulak ito.

At agad na bumati sa kanila ni Canaan na nakasunod sa kaniyang likuran ang may edad nang babae na isang native sa lugar na iyun. Ito ang kinukuha niyang tatao sa kaniyang maliit na inuupahan.

Napansin niya na nagulat ito nang makita na bumalik siya agad at may kasama siyang lalaking nakatayo sa kaniyang likuran.

Tinanong siya nito kung mayron siyang nakalimutan dahil nga sa maaga bumalik. Ngunit pansin niya ang pagsulyap nito kay Canaan. At alam niya na sa mukha pa lamang ni Canaan ay alam na nito kung sino si Canaan sa kaniyang buhay.

Sigot niya ang tanong nito na ibinigay s akaniya ang araw na iyun para makapag-off siya at inabot niya ang kaniyang bayad sa native-american na babaeng si Odina ang naghanap para sa kaniya.

Nagpaalam na ito at tahimik itong lumabas ng kaniyang maliit na silid. At si Canaan na ang nag-lock ng pinto para sa kaniya. At siya naman ay humakbang palayo kay Canaan. At saka niya hinarap ito ngunit hindi niya naiwasang sulyapan ang nakabukas na pintuan ng nag-iisang silid sa kaniyang apartment.

At hindi na niya napigilan na ilabas sa kaniyang mga labi ang katanungang matagal na niyang kinikimkim.

"Nasaan si Hera?" ang kaniyang tanong kay Canaan. Napansin niya na hindi iyun ang inaasahan na tanong ni Canaan. Halata ang gulat sa mukha nito. Napaatras ang mukha ni Canaan at nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay. Kasunod nang pag-iling ng ulo nito. Ngunit pareho silang natigilan nang may iyak na pumunit sa kanilang usapan at doon na binalot muli ng kaba ang kaniyang dibdib.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon