Chapter 36

825 68 9
                                    

Pinunasan ni Canaan ang pawis sa kaniyang noo gamit ang likod ng kaniyang kamay. At saka niya tiningnan ang gawain na nasa kaniyang harapan.

Pagkatapos nila mamili ni Harlow sa may Pedrosa ay muli silang bumalik sa rancho ng mga ito para mananghalian at pagkatapos ay tinulungan niya si Harlow sa pagpapatuloy ng paglilinis ng noon ay talahiban na harapan ng bahay.

At sa maghapon na iginugol nila ni Harlow ay napakalaki na nang pinagbago nang maliit na bahagi ng lupain ng mga Lauretta. Magkatuwang sila ni Harlow na nagtarabaho at nagdesiyon sila na hatiin ang sa kanilang dalawa ang bahagi ng lupa.

Kahit pa ayaw niya noong un ana pumayag dahil sa alam naman niya na hindi sanay si Harlow sa mabigat na gawain sa rancho.

Dinukot niya ang kaniyang baon na towel mula sa likod na bulsa ng kaniyang pantalon at saka niya pinunasan ang kaniyang mukha at leeg para pahirin ang tumutulong pawis.

At nabaling ang kaniyang tingin kay Harlow na nasa kabilang direksiyon lamang niya. At hindi niya napigilan ang ngumiti habang pinagmamasdan ang babaeng nakabihag ng kaniyang pusong naghihilom pa lamang.

Totoong umaasa siyang...matutulungan siya ng pag-ibig ni Harlow na maghilom. Lalo pa at dahil dito ay pinalaya niyang muli ang kaniyang damdamin.

Nakatali sa tuktok ng ulo nito ang tuwid nitong buhok na nakaikot ng sandlaing iyun. Isang mailing shorts at maluwag na kamiseta ang suot nito at sa mga paa naman nito ay ang goma na bota na ginagamit din nito kapag naglilinis ng kamalig.

May bakat na ng basa ang kamiseta nitong suot na gawa ng pawis at may mga hibla na rin ng buhok nitong nakadikit sa pawisan nitong noo at leeg. Ngunit sa gitna ng init ng araw ay hindi niya ito naringgan nang anumang angal ng hirap at pagod.

Bagkus ay nakita niya na pagiging pursigido nitong matapos ang trabaho. Lalo pa at ideya nito ang kanilang sisimulan na pagkakakitaan para sa rancho.

At sa sipag at tiyaga na ipinapakita ni Harlow ay lalo siyang humanga rito. Sa kabila ng pinag-aralan nito na malayo sa larangan ng pagrarancho ay mas pinili nitong ibaling ang kakayahan sa isang trabahong kinalakihan man ng pamilya nito bilang kabuhayan ngunit alam niyang wala itong alam sa pagyayaman ng isang lupain na katulad ng bakahan.

Magiging isang mabuting misis ng isang ranchero si Harlow, ang sabi ng kaniyang isipan at isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang pisngi.

Tiningnan niya ang oras mula sa suot niyang relo. Malapit na rin ang oras na kailangan nilang magpakain na ng baka.

Isinuksok niyang muli ang towel sa kaniyang likuran na bulsa at saka siya naglakad palapit kay Harlow na nakayukod ng sandaling iyun.

"Harlow, mi labs, tama na yan, baka mabalian ka na ng likod," ang kaniyang pabirong sambit kahit pa may bahid ng pag-aalala ang kaniyang sinabi rito.

Tumayo nang tuwid si Harlow at humihingal itong tiningnan siya ng naniningkit nitong mga mata. Tumayo siya sa tabi nito at saka niya kinuha ang nakasabit na towel sa balikat nito para pumasahan ang pawis nito sa mukha.

"Hapon na kailangan na nating ituloy ito bukas, magpapakain pa ako ng mga baka," ang kaniyang dugtong habang pinupunasan niya ang leeg nito.

"Ikaw? Tutulungan kita,"-

"Hindi na," ang kaniyang putol sabay iling ng kaniyang ulo. At pagkunot naman ng noo ang isinagot sa kaniya ni Harlow.

"Bakit?"

"Ako na lang, masyado ka nang mapapagod."

"Kaya ko pa," ang giit nito sa kaniya pero umiling ang kaniyang ulo.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon