Chapter 17

678 49 29
                                    

"Gusto ko nang umuwi," ang sabi ng kaniyang tatay sa kaniya at pilit nitong itinulak sarili mula sa pagkakahiga nito sa hospital bed. Nasa pampubliko silang hospital sa bayan ng Villacenco. Hindi na naisipan pa ni Harlow na dalhin ang kaniyang ama sa siyudad ng Pedrosa dahil sa matagal na biyahe. At para sa kaniya ay wala na siyang oras para hayaan lang na masayang iyun sa biyahe patungo sa malaking hospital sa Pedrosa.

Nang makaramdam ng pananakit at paninikip ng dibdib ang kaniyang tatay kanina ay agad niya itong inalalayan para makaupo ito. Dali-dali siyang tumakbo sa itaas ng bahay para kunin ang kaniyang bag at saka siya tumakbo palabas ng highway para makapara ng tricycle at maidala ang kaniyang tatay sa pinakamalapit na hospital na mayroon ang Villacenco.

At sa loob ng isang emergency room ay sama-sama ang mga pasyenteng nakahiga sa mga nakahilera bente pirasong hospital beds kasama ang mga bantay ng mga ito at naghihintay ng doctor na kagaya nila.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa plastic na silyang nasa tabi ng kama ng kaniyang tatay at saka niya pinigilan itong makatayo.

"Tay, huwag na po kayong malikot," ang malumanay na saway niya sa kaniyang ama at hinawakan niya ang braso nito para pigilan itong bumangon.

"Pero...gusto ko ng umuwi," ang giit nito sa kaniya. Nabigyan na ito ng paunang lunas at pagkatapos nitong isailalim sa ilang tests ay kinailangan nilang maghintay nang ilang oras para sa paunang resulta nito.

"Tay kailangan pa nating hintayin ang sasabihin ng doctor tungkol sa result ng tests sa iyo, nakuha ko na yung result at naibigay ko na sa nurse hintayin na lang natin," ang kaniyang sabi rito.

At hindi naman nagtagal ay may pumasok na doctor sa loob ng emergency room. May mga nilapitan muna itong pasyente na nauna sa kanila.

"Ang tagal naman, kanina pa tayo rito," angal ng kaniyang tatay.

"Tay ganun po talaga at maraming pasyente," ang kaniyang malumanay na sagot sa ama na kinakikitaan niya ng pagkainip at pagkairita.

"Sinabi ko naman kasing...wala lang ang nararamdaman ko, napagod lang ako," ang tugon nito sa kaniya.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan, "tatay kung hindi ko alam na may sakit kayo sa puso baka naniwala ako, pero alam nating dalawa ang totoo na mayroon kang sakit."

"Magagastusan ka lang dito," ang mahina nitong sabi habang nakapikit ang mga mata nito.

Isang tikom na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi bago siya sumagot, "libre naman po ang pakonsulta dito tatay."

Hindi sumagot ang kaniyang tatay at tumikom lang ang bibig nito at saka nito ipinikit ang mga mata. Nang ang hinihintay nila ay dumating na sa pagkakataon na iyun.

"Morlino Lauretta?" ang patanong na sabi sa kanila ng doctor na kanina pa abala sa pag-iikot sa loob ng emergency room para sa mga pasyente.

"Uh, siya nga po," ang kaniyang sagot.

"Ano ka niya?" tanong nito sa kaniya.

"Anak po," ang kaniyang matipid na sagot.

"Tatay, kamusta na po kayo?" ang magiliw nitong tanong sa kaniyang tatay na dumilat na ang mga mata.

"Gusto ko ng umuwi at ayos na ang pakiramdam ko," ang sagot ng kaniyang tatay.

Tumangu-tango ang ulo ng doctor habang may ngiti sa mga labi nito.

"Tatay, nagkaranas po kayo ng mild heart attack," ang sabi nito sa kaniyang tatay pero ang mga mata nito ay nakatuon sa kaniya.

"Heart attack?" ang kaniyang tanong at nakadama ng takot ang kaniyang dibdib nang marinig ang salitang iyun.

Canaan Mc Laury (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon