"O ikaw si Harlow hindi ba? ang anak ni Morley? Nabalitaan ko ang nangyari sa ama mo...at," napabuntong-hininga ito, "nakikiramay ako." Ang sabi ng may-ari na binibilhan nila ng feeds ng baka.
Pagkaalis niya ng bahay ay dumiretso muna siya sa lumang chapel ng Villacenco kung saan naroon na ang labi ng kaniyang tatay na maayos na nakalagak. Hinimas niya ang salamin ng kabaon ng kaniyang tatay at saka niya hinagkan iyun at agad niyang pinahid ang luhang pumatak sa salamin.
Tanging isang nag-iisang malaking korona ng bulaklak ang naroon na galing pa sa Funeral Homes na kaniyang kinausap na mag-asikaso sa kaniyang tatay mula sa isinuot nitong barong at slacks pati na ang sapatos. Hanggang sa maliit na espasyo sa chapel para sa maikling oras na lamay, misa at libing ng kaniyang tatay sa lumang sementeryo na nasa likod lang ng chapel.
Dati ay gustong-gusto niyang pumunta sa gothic inspired na sementeryo dahil sa magandang tanawin sa kabila ng pagiging tahanan iyun ng mga pumanaw.
Tila ba napunta ka sa nakaraan at sa ibang bansa na mga Celtic cross na mga puntod na gawa sa mga gray na bato. Ang ibang mga puntod na naroon ay noon pang panahon ng mga kastila at hapon.
Bulaklak...lalagyan niya ng maraming bulaklak ang harapan ng kabaon ng kaniyang ama, ang bulong ng kaniyang isipan.
Pagkatapos ay sandali siyang umalis. Ayaw man niyang iwan ang ama at malayo rito kahit na ilang minuto ay kailangan niyang iwan muna ito doon nga siya dumiretso para makipag-usap hindi tungkol sa feeds kundi sa kanilang mga baka.
Tumango ang kaniyang ulo at marahan siyang tumango tinanong nito ang tungkol sa nangyari ay inilahad niya ang ilan sa kaya lamang niyang sabihin dito na hindi siya humahagulhol.
"Anong sadya mo iha? Kailangan mo ba ng feeds para sa baka? Sige pakukunin muna kita, kahit pa...sa isang buwan mo na bayaran,"-
"Hindi po," ang putol niya na may kasamang pag-iling ng kaniyang ulo. At kumunot lang ang noo ng matandang lalaki sa kaniya.
"Uhm, gusto ko po sanang ibenta sa inyo ang natitira namin na baka," ang kaniyang dugtong, "kailangan ko po kasi ng pera para pambayad po sa funeral service po ni tatay saka yung sa hospital po."
"Uh, ganun ba? isang baka ba? o dalawa?"
Umiling ang kaniyang ulo, "lahat po na na pitong baka," ang tugon niya.
Napakamot ang matanda sa batok nito, "naku iha, gusto ko man na tulungan kita na bilhin ko sa iyo ang mga baka ninyo kaso....wala akong ganun kalaking halaga, alam ko na hindi bababa sa ilang libo ang presyo ng bawat isang baka ninyo, saka...kung mayroon man akong ganun kalaki na halaga, wala naman akong paglalagyan ng mga iyun."
"Uhm, puwede po na tulungan po ninyo ako na makahanap ng buyer? Yung mababayaran po sana ako kaagad, gusto ko po kasing mailibing na agad si tatay bago pa lumubog ang araw mamaya, at kahit mababang presyo na lang po ang ibigay ninyo sa akin basta po may maipambayad ako sa maayos na libing ng tatay," ang pakiusap niya.
"Uhm...saan ba ililibing ang tatay mo?"
"Sa lumang sementeryo po ng Villacenco, nasa lumang chapel na rin po ang labi ng tatay," ang kaniyang sagot.
"Sige na po...kailangan ko lang po talaga ang pera para pambayad po sa maayos na libing ni tatay," ang muli niyang pakiusap.
"Si Canaan? Nakausap mo na ba?"
Umiling ang kaniyang ulo, ayaw na niyang abalahin pa ito maging ang pamilya nitong malaki na ang nagawa niyang pang-aabala.
"Hindi po saka...malaki na po ang naitulong nila sa akin, yung sa iba pong may-ari ng mga rancho rito?" ang kaniyang tanong.
BINABASA MO ANG
Canaan Mc Laury (complete)
عاطفيةCanaan Mc Laury was a young lad when he asked the hand of his childhood sweetheart for marriage. Pero dahil sa may pangarap pa ito na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at makapagtapos nang kursong pangarap nito ay ipinagpaliban n...